Maine Mendoza pleads to fans: "Enough with the foul words, guys."

IMAGE Reielle Deslate

Maine Mendoza reminds fans to be careful about what they post on social media: "Enough with the foul words, guys.. Hindi na tama."


Isang paalala sa fans ang ipinost ni Maine Mendoza sa kanyang Twitter account ngayong Huwebes, June 1.

Una, pinuna niya kung paano ang asal ng ibang netizens pagdating sa social media.

Aniya, “I do not get how people can throw so much hate on others. I mean.. inano ba nila kayo?”

Kasunod nito ay hiniling niya sa kanyang fans at ng love team nila ni Alden Richards na iwasan na ang paggamit ng masasakit na salita laban sa ibang tao.

“I know how much you love us and how hard you try to protect us but enough with the foul words, guys.. Hindi na tama,” sabi ng Destined To Be Yours actress.

Positibo naman itong tinanggap ng karamihan ng Twitter followers ni Maine.

Ang iba nga ay nanawagan pa sa kapwa nila fans na pakinggan ang hiling ng kanilang iniidolong artista.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN