Arci Muñoz on being friends with her ex-boyfriend: "It really does take time."

IMAGE Noel Orsal

If there's one person who can relate the most to the movie Can We Still Be Friends?, it's Arci Muñoz, the lead actress herself. "Love story ko nga! Bawat eksena, parang nangyari 'to sa akin," she blurts out.


Kamakailan lang nakumpirma na hiwalay na si Arci Muñoz sa rock artist na si Badi del Rosario, pagkatapos ng tatlong taong relasyon.

Kaya ang tanong sa kanya sa presscon ng pelikulang Can We Still Be Friends: Puwede nga bang maging magkaibigan ang dating magkasintahan?

Sagot ng Kapamilya actress, "After the breakup? I think it can be both, kung sino ang mag-i-initiate.

"Depende rin kasi sa breakup 'yan, e.

“Ako kasi, dalawang bagay lang—it's either mahal mo pa siya or never mo siyang minahal sa entire relationship ninyo.

"Kaya mong maging kaibigan ang ex mo, but it really does take time.  

“Kasi nga, yung dalawang bagay na yun, baka sakaling maging magkaibigan kayo after the breakup.

“Baka nga magkabalikan kayo at baka may feelings pa kayo.

“Or kaya mong makipagkaibigan sa kanya kasi hindi mo pala siya love sa entire relationship.  

"Parang friend mo lang pala talaga siya.

"Para sa akin, ganun."

Pero kailangan nga bang mauwi sa pagiging magkaibigan ang dating magkarelasyon?

Ayon kay Arci, "Hindi naman required na maging friends kayo, para na lang din sa peace of mind mo.

“Para sa akin, para wala ka nang iisipin, kasi anytime puwede kayong magkasalubong, magkita.

“But not necessarily na kailangan kayong maging friends, kung puwedeng casual lang, hi, hello.  

“E, kasi, baka mamaya sabihin niya, bitter ka. Pero depende talaga sa sitwasyon."

HER LOVE STORY. Iimbitahan ba ni Arci ang ex-boyfriend na manood ng pelikula niya with Gerald Anderson, ang Can We Still Be Friends?

Tugon ng aktres, "Kinuwento ko nga sa kanya, kasi noong in-offer 'to sa akin, okey pa kami, nag-uusap, friends pa.

"Kasi love story ko nga! Bawat eksena, parang nangyari 'to sa akin, parang nakaka-relate ako.”

Natatawang sabi pa ni Arci, "E, baka kapag napanood niya, sabihin niya sa akin, bakit naman kinuwento mo ang love story natin?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ewan ko, huwag na lang siguro."

May kasabihan rin na sometimes goodbyes are not forever.

"Ayoko nang umasa, ewan ko!” natatawang pakli ng aktes.

Sa isang banda, aminado si Arci na may pressure siyang nararamdaman sa ikalawang movie nila ni Gerald.

Matagumpay ang una nilang ginawa na Always Be My Maybe, posibleng maikumpara dito ang Can We Still Be Friends.

Aniya, ”Alam namin na may pressure…

"Para sa akin, kahit anong mangyari, as long as nag-enjoy kami and gave all our best, ayun, happy.  

"I'm very proud."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN