Janine Gutierrez clarifies Rayver Cruz is not yet her boyfriend

IMAGE Rommel Gonzales

Janine Gutierrez on Rayver Cruz: "Ano siya, e, okay siya, mabait. Tapos masayang kasama, sobrang nakakatawa."


Itinanggi ng Kapuso actress na si Janine Gutierrez, 27, na may relasyon na sila ng Kapamilya actor na si Rayver Cruz, 27.

“Wala po akong boyfriend,” diin ni Janine sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Pero inamin ng Legally Blind actress na paminsan-minsan ay lumalabas sila ng actor-dancer.

“Minsan po nagkikita kami.”

Ngunit paglilinaw rin ni Janine, wala raw ibang ibig sabihin iyon.

“Wala, minsan kapag libre, nagkikita kami nung mga kaibigan namin, ganun.

“Minsan may binisita kami, yung friend ko, marami kaming magkakasama.

“Yung mommy kasi ng friend namin nasa ospital, so bumisita ako.

“E, yung mommy ng friend ko, naglambing na gusto daw niyang makilala [si Rayver].”

Bakit gustong makilala ng mommy ng kaibigan niya si Rayver?

Tugon ng dalaga, “E, siyempre, kasi siya si Rayver.

“At alam niya na friends kaming lahat.”  

WHAT JANINE LIKES ABOUT RAYVER. Kasama ni Janine sa Kapuso afternoon drama series na Legally Blind ang kapatid ni Rayver na si Rodjun Cruz.

Sa hiwalay na interview, sinabi ni Rodjun na natutuwa siyang nakikitang muling ngumingiti si Rayver, na matagal na raw niyang hindi nakikita sa kapatid.

“Hoy, Rodjun, anong pinagsasasabi mo dito?” ang tumatawang pagtawag ni Janine sa co-star, although nakaalis na si Rodjun habang ini-interview namin ang aktres.

Ano ang pinakagusto niyang ugali ni Rayver?

Ayon kay Janine, “Ano siya, e, okay siya, mabait.

“Tapos masayang kasama, sobrang nakakatawa.

“Pareho naman sila ni Rodjun, nakakatawa.”

Ano ang nararamdaman ni Janine na halos lahat ay pabor na maging sila ni Rayver, na walang namba-bash at walang tumututol sa closeness nila?

“Natutuwa,” sambit niya.

Ngunit firm pa rin si Janine na hindi muna pag-ibig ang focus niya sa ngayon.

“Work pa rin po talaga. Actually, minsan lang talaga ako may libreng araw.

“Pero tingnan natin,” nakangiti niyang sabi.

Handa na ba siyang umibig muli?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ewan ko, parang hindi naman napaplano iyon, e. Tingnan na lang natin.”

Malalaman ba namin kung sila na ni Rayver?

“Kayo pa ba!” at tumawa ng Kapuso actress. “Opo, malalaman ninyo.”

Ang huling naging boyfriend ni Janine ay si Elmo Magalona.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN