Maine Mendoza on post about haters: "Dapat ba laging may pinagtatanggol?"

IMAGE Instagram @mainedcm

Maine Mendoza's response to a netizen asking her about issues involving Sef Cadayona and Gabbi Garcia: "Dapat ba lagi may pinagtatanggol? Hindi ba pwedeng sabihin lang kung ano yung tama? Oh btw, that tweet is for you all."


Nanindigan si Maine Mendoza na hindi dapat bigyan ng kulay ang pagkondena niya sa walang-tigil na paninira o pang-aaway ng kanyang Twitter followers.

Nagsimula ito sa Twitter post ni Maine na nagsasabing, “I do not get how people can throw so much hate on others. I mean.. inano ba nila kayo?”

Si Maine ay kalahati ng phenomenal love team na AlDub (Alden Richards and Yaya Dub), na mayroong hukbo ng fans na pinoprotektahan nang todo ang samahan ng dalawa sa likod at harap ng kamera.


Stories We Are Tracking

Maine Mendoza: 'Enough with the foul words, guys.'
Maine Mendoza: 'Enough with the foul words, guys.'

Kahapon, June 1, isang masugid na AlDub fan ang diretsahang nagtanong kay Maine kung may partikular na personalidad siyang ipinagtatanggol sa kanyang tweet.

Sabi ng Twitter user na may handle name na @p_pandorina: "derechuhin mo nalang maine, para sa mgt/sef issue/gabbie issue ba to? sino pinagtatanggol mo? #ALDUB98thWeeksary”


Ang sinasabing “sef issue” ay ang bali-balitang nagkakamabutihan si Maine at Meant To Be star na si Sef Cadayona.

Noong May 24 ay naging tampok ng debate sa Twitter followers ni Maine kung ang videoke session nila nina Sheena Halili at Juancho Trivino ay ginanap sa bahay ni Sef.


Stories We Are Tracking

Was Maine's videoke session with friends held at Sef's house?
Was Maine's videoke session with friends held at Sef's house?

Ang “gabbi issue” naman ay ang umano'y pambabatikos ng ilang AlDub fans sa Encantadia star na si Gabbi Garcia nang mag-perform ito sa GMA-7 noontime show na Eat Bulaga! noong Martes, May 30.

Ngunit hindi pinatulan ni Maine ang alinman sa nabanggit na isyu.

Mariing pahayag ni Maine, “Dapat ba lagi may pinagtatanggol?

“Hindi ba pwedeng sabihin lang kung ano yung tama?

“Oh btw, that tweet is for you all.”



Ilang oras matapos ang tweet ni Maine kahapon, naiulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pahayag ni Sef tungkol sa pagkakaugnay nito sa Dubsmash Queen.

Dito ay nilinaw ni Sef na magkaibigan lang sila ni Maine.

Dagdag ng binata, "tropa-tropa" ang turingan ng grupo nila nina Maine, Juancho, at Sheena.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

Sef Cadayona denies romantic relationship with Maine Mendoza
Sef Cadayona denies romantic relationship with Maine Mendoza


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN