Jolina Magdangal not bothered by admiring fans of hubby Mark Escueta

IMAGE Noel Orsal

Here's the thing about Jolina Magdangal. Her husband Mark Escueta gives her no reason to be jealous, "Yung kutob? O pagdududa, I swear, wala talaga." But on the remote chance it happens, "Promise, ikukuwento ko sa inyo, bakit? Kung nangyayari talaga sa mag-asawa iyon, magpapaka-martir pa ba ako?"


Inamin ni Jolina Magdangal na selosa siya, pero hindi naman daw siya binibigyan ng mister niyang si Mark Escueta ng dahilan para magselos.

Miyembro ng bandang Rivermaya si Mark, at ang mga nasa banda, lalo na kapag guwapo at sikat na rakista, ay habulin ng mga babae.

Tumawa lang si Jolina sa aming pahiwatig.

Kampante raw siya maski may gig si Mark sa malalayong lugar at hindi siya kasama.

Sabi ng singer-actress, “Kahit nakita ko pa sa picture na may mga nagpa-picture sa kanila, wala akong… yung kutob? O pagdududa, wala!”

Baka naman umiiwas lang talaga ang mga babae kay Mark dahil na rin kay Jolina?

“Wow! Hindi ko alam, subukan lang nilang lumapit. Charot!” biro ng ASAP mainstay.

Seryosong dagdag ni Jolina, “I swear, wala talaga… at kung meron, hindi ako mahihiyang ikuwento.

“Dumadaan sa mag-asawa yun, e, pero wala pa at huwag naman.

“Promise, kung merong mga ganyan, ikukuwento ko sa inyo, bakit?

“Kasi, kung nangyayari talaga sa mag-asawa iyon, magpapaka-martir pa ba ako?”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jolina sa second-year renewal ng contract nila ni Mark, kasama ang three-year-old son nilang si Pele, bilang endorsers ng Super Twins Premium Baby Diapers/Easy Wear Baby Pants.

Ginanap ito sa Oriental Palace restaurant, sa Tomas Morato, Quezon City, noong Lunes, May 29,.

TALK, TALK, TALK. Anim na taon nang kasal sina Jolina at Mark.

Pero ayon kay Jolina, ni minsan ay hindi sila nag-away.

“Wala! Yung away na bongga na hindi natutulog sa iisang kuwarto, wala.”

Normal naman sa mag-asawa na minsan ay may susulpot na problema sa isa’t isa. Paano nila naiiwasan ito?

Saad ni Jolina, “Usap, usap… nararamdaman niya pag nagtatampo ako, e, so kakausapin niya ako agad.

“Ako naman, si sensitive, konting kibot na meron lang siyang mabigat na… kasi tahimik siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero pag nagsalita siya, minsan may bigat.

“Feeling ko na agad, galit, so tatanungin ko na agad, ‘Papa…’”

Selos?

Paliwanag ni Jolina, “Hindi! Di ba, minsan gusto mong ikuwento lahat ng nararamdaman mo?

“So, ako, ikinukuwento ko kahit na minsan hindi maganda, yung mga nega.

“Parang normal lang naman, na parang meron tayong nararamdamang…

"Akala ko nagalit siya, so nagtampo ako. ‘Bakit pag nega ayaw mong pakinggan, e, gusto ko lang magkuwento?’

“So, naramdaman niya, ‘May tampo ka ba?’

“Tapos nag-usap na kami, ‘Kasi, Papa, pakiramdam ko, ayaw mong makinig.’

“Sabi niya, ‘Hindi, kahit ano pang ikuwento mo, papakinggan ko.’

“Minsan nakakalimutan ko na wala naman sa kanya iyon, e.”

Communication nga raw ang susi sa magandang pagsasama nina Jolina at Mark.

“Yes! Minsan nakakalimutan ko pag may hindi niya gusto, sasabihin naman niya, e.

“Pero pag wala siyang sinasabi, ibig sabihin, wala.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN