Vice Ganda, Lea Salonga, Dingdong Dantes, other celebs post messages about Resorts World Manila incident

IMAGE Noel Orsal

Nagpaabot ng pakikisimpatiya at dasal ang ilang mga artista sa mga kamag-anak ng mga nasawi sa Resorts World Manila incident ngayong Biyernes, June 2. Umabot na sa 37 ang namatay sa insidente, kabilang na ang gunman na namaril at nanunog ng ilang kagamitan sa nasabing hotel and casino. 


Nagpaabot ng dasal at pakikisampatiya ang ilang local celebrities kaugnay ng pag-atake ng isang gunman sa Resorts World Manila (RWM), sa Pasay City, ngayong madaling-araw ng Biyernes, June 2.

Sa kasalukuyan, nasa 37 na ang patay, kabilang na rito ang di pa nakikilalang gunman.

Ang ilan pang mga namatay ay guests at empleyado ng hotel na na-suffocate diumano dahil sa sunog na inumpisahan ng nakamaskarang gunman.

Lagpas naman sa 50 ang nasa ospital ngayon dahil sa kanilang tinamong pinsala sa insidente. 

Sa Twitter, nagpaabot ng mensahe ang It’s Showtime host na si Vice Ganda sa ating mga kababayan na manatili na lamang sa bahay para na rin sa kanilang kaligtasan.

Sa kanyang tweet kaninang madaling-araw, umaasa ang Kapuso actress na makalabas ang mga nasa loob ng hotel nang hindi nasasaktan.

Ang Pinay Broadway Diva na si Lea Salonga ay pinalakas naman ang loob ng mga empleyado at mga taong nasa RWM sa pamamagitan ng kanyang tweet.

Samantala, dasal at pakikiramay ang alay nina Bianca Gonzalez at Dingdong Dantes para sa mga kaluluwa ng mga sundalong namatay sa Marawi siege at mga sibilyan sa Resorts World Manila incident.

Dahil na rin sa paglipana ng fake news sa Marawi siege at Resorts World Manila incident, nakiusap din ang GMA Primetime King na sana ay iwasan na ito ng netizens. 

Ang singer-songwriter na si Ogie Alcasid ay humiling naman ng gabay mula sa Panginoon sa gitna ng mga nangyayaring kaguluhan sa bansa.

Kinondena naman ng pamunuan ng Resorts World Manila ang naging aksiyon ng gunman, na ayon sa kanila ay wala sa matinong pag-iisip.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN