Actress Azenith Briones's husband among dead in Resorts World attack

IMAGE Instagram

Kabilang si Eleuterio Reyes, mister ng aktres na si Azenith Briones, sa mga nasawi sa naganap na pag-atake sa Resorts World Manila nitong Biyernes ng madaling-araw, June 2.


Inilabas ng management ng Resorts World Manila ngayong hapon, June 2, ang pangalan ng mga biktima ng suffocation sa trahedya na nangyari kaninang madaling-araw sa naturang establishment.

Labinglima sa mga empleyado ng Resorts World Manila ang namatay, at 22 sa guests ang binawian ng buhay.

Kasama sa mga nasawi si Eleuterio Reyes, 59, ang asawa ng aktres na si Azenith Briones.

Nang makapanayam ng media si Azenith, hindi pa nito alam ang nangyari sa mister kaya umapela siyang iparating sa kanya ang kinaroroonan nito.


Stories We Are Tracking

Singer, actress recall terrifying experience at RWM incident
Singer, actress recall terrifying experience at RWM incident

Bumibili ng pagkain ang aktres sa second floor nang maganap ang trahedya.

Nakalabas si Azenith sa Resorts World Manila nang pumasok siya sa kitchen ng isang restaurant at tumalon sila ng staff mula sa second floor.

Si Azenith ay nakilala sa kanyang pagganap sa 1980 film na Temptation Island.

SHOOTING. Apektado rin ng Resorts World Manila tragedy ang shooting ngayong hapon sa Liwasang Bonifacio ng Fangirl/Fanboy, ang Viva Films movie na pinagbibidahan nina Julian Trono at Ella Cruz.

Sinabi ng direktor ng pelikula na si Barry Gonzales na nagkaroon sila ng problema dahil sa mga firetruck na gagamitin sana sa malaking eksena na kailangan ng rain effect.

"Nagkaroon nga ng problema dahil lahat ng firetrucks, nasa Resorts World, pero nakakuha naman kami ng mga magsu-supply ng tubig," sabi ni Gonzales.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN