Sharon Cuneta: "Kiko and I don't have a perfect marriage. Who does?"

IMAGE Courtesy of Tonight with Boy Abunda

Sharon CUneta's message to herself: "You are so blessed, you must thank more often than you complain. Although, you've always been grateful, you must think of how many people there are who are less fortunate than you. You must forgive yourself for decisions that are nobody's fault but yours because you made them."


Hindi napigilan ni Megastar Sharon Cuneta na maging emosyunal sa kanyang panayam sa ABS-CBN late night talk show na Tonight with Boy Abunda kagabi, June 2.

Sa simula, ipinapaliwanag niya ang naging dahilan ng kanyang solo trip sa U.S. nitong Mayo.

Aniya, "I needed a change of environment. I'm only human."

Saka inisa-isa ng actress/host/singer ang mga taong naging malapit sa kanya na namayapa na.

Binanggit niya ang pangalan ng kanyang father-in-law na si Donato Pangilinan, ni Direk Wenn Deramas, ng kanyang Nanay Angge o Cornelia Lee, at ni Willie Cruz, na siyang composer ng mga hit songs niyang "Sana'y Wala Nang Wakas," "Pangarap na Bituin," at "Bituing Walang Ningning."

Pumanaw na rin ang isa sa dalawang kapatid ng kanyang ina na si Elaine Cuneta. 

Mangiyak-ngiyak na sabi ni Sharon, "I'm no longer thirty. I am nearing the end as opposed to before...

"And did I really live the life that I wanted to? Did I make the right decisions?

"I realized that many, many times, I did not.

"Because I was considerate of other people's feelings at my expense."

ON THE ROCKS? Samantala, napag-usapan din ang tungkol sa estado ng relasyon ni Mega at ng asawang si Senator Francis Pangilinan. 

Aminado ang Kapamilya star na hindi ito perpekto.

Aniya, "Kiko and I don't have a perfect marriage. Who does?"

Natatawang dagdag nito, "There are times gusto mo iwan, there are times na gusto mo patayin.

"Ganun lang naman di ba, lahat ng mag-asawa. I'm just being frank and honest.

"Because you know, he's an upright guy, he's a very good man. That's why I married him.

"It's just that we didn't grow up in the same household, with the same parents, with the same setup."

Binigyang linaw din ni Sharon ang isa nitong Facebook post kung saan sinabi niyang ang mga anak na sina KC, Frankie, Miel, at Miguel ang "only four people in the whole wide world I would give my life for."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Ang natatawang hirit ng 51-year-old star, "Kasi, pinanganak ko yun e at saka yung isa inampon ko at sumumpa akong maging nanay niya.

"Hindi ko naman ipinagbuntis si Kiko."

Sa huling bahagi ng panayam, inimbitahan ni Boy si Sharon na tumayo sa harap ng salamin at sabihin kung ano ang gusto nitong mensahe sa sarili.

Sabi ni Sharon, "You are so blessed, you must thank more often than you complain.

"Although, you've always been grateful, you must think of how many people there are who are less fortunate than you.

"You must forgive yourself for decisions that are nobody's fault but yours because you made them."

Tuluyang naiyak si Sharon nang tanungin ni Boy kung ano ang mensahe nito sa mga taong kanyang nami-miss.

Kabilang dito ang kanyang mga yumaong magulang na sina Pablo at Elaine Cuneta.

Nabanggit din ni Sharon si Mina Aragon, ang yumaong asawa ng VIVA Films big boss na si Vic Del Rosario.

Mangiyak-ngiyak na sinabi ni Sharon, "I miss you, Daddy.

"Daddy, I miss you so much. I miss my life with you, I miss Dasma, I miss being your child.

"I miss little Sharon, I miss Sharon in her 20s. 

"I miss you, Mama Mina, my mommy ko, I miss you. 

"If I miss me, I miss being free to be me."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN