Ken Chan unruffled by basher's negative comments

IMAGE Noel Orsal

Ken Chan reveals how he's been severely affected by a basher's negative comments. Refusing to disclose his identity, Ken says: "Ang sa akin lang, nasaktan ako dahil bakit kailangang siya pa o ganun pa?"


Kamakailan lang, nag-post si Ken Chan sa kanyang Instagram account ng quote na, "God is lining things up for you. He always has been and always will."

Sa caption niya, makikita ang hugot niya na tila may partikular talaga siyang taong pinatutungkulan.

Ayon pa rin kay Ken, punung-puno ng poot ang taong ito at hindi niya raw hahayaan na masira ang mga pinaghirapan niya sa kanyang showbiz career dahil lang dito.

Read: Ken Chan posts cryptic message on Facebook: "Hindi ko kayo kailangan sa buhay ko."

Sinabi rin niyang hihinto lang siya kapag sinabi ng Panginoon, pero hindi dahil sa taong ito.

Nagkaroon kami ng pagkakataong linawin ang isyung ito kay Ken nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa set visit namin para sa GMA-7 primetime series na Meant to Be na ginanap sa Eastwood, Quezon City noong May 31.

"Okey naman po ako," panimulang sabi naman ng Kapuso actor.

Ipinaliwanag naman ni Ken kung bakit nga siya napa-hugot bigla sa kanyang Instagram post.

Kuwento niya, "Yung hugot ko pa na yun, actually, hindi po talaga ako mahilig mag-tweet ng ganun.

“Yung mga post ko, puro positive. Nabahiran tuloy ng ganun.

"Yung post ko naman po kasi na yun sa Instagram ko, in general po.

“Well, meron din. In a way, in general pero may tao talaga na nalaman ko.

"Ayaw ko lang din naman pong magsalita, kaya lang, napansin ko rin po kasi siya."

Inamin ni Ken na matagal na niyang napapansin ang partikular na taong ito, hindi lang talaga siya nagsasalita.

"Ang ano lang po kasi, kaya rin naman ako nagsalita dahil sa mga tao sa paligid ko na nagsabi, ang daming nag-confirm na siya.

"Siyempre, kahit naman po siguro sino, masasaktan pag ganun," saad niya.

NO REGRETS WITH DESTINY ROSE. Diretsuhan naming tinanong si Ken kung sa ngayon, nakakaramdam ba siya kahit paano ng pagsisi na ginawa niya ang Destiny Rose at gumanap na isang transgender dahil kahit matagal na itong tapos, tila sa ilan, lalo na sa mga bashers niya na sinasabihan siyang bading talaga?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"No," mabilis niyang sagot.

"Hindi po, dahil sa Destiny Rose nagkaroon po ako ng maraming awards.

“At kahit naman sinong gumawa ng gay roles, kahit sinong batikang actor ang gumawa ng gay roles, e, pinag-iisipin nila ng ganun.

"Kahit may mga asawa na nga na gumawa ng gay roles, pinag-iisipin nila ng ganun.

“Ang sa akin lang po, yung tipong wala po sa akin, hindi isyu ang Destiny Rose, actually."

Yung isang taong pinatutungkulan niya ng hugot post niya, inaayawan daw siya at sinasabing bading din siya.

Totoo ba yun?

"Yes," pag-amin niya.

Nasaktan ba siya dahil dito?

"Hindi po ako nasaktan dahil sa thought na bading.

“Alam ko naman dahil maraming na-hook sa Destiny Rose.

“Ang sa akin lang, nasaktan ako dahil bakit kailangang siya pa o ganun pa."

NOT AFFECTED BY JAK'S CLOSENESS TO BARBIE. Kinumusta rin namin si Ken sa kung ano ang nararamdaman niya dahil sa biglang paglabas ng mga larawan na magkasama sina Barbie Forteza at Jak Roberto na tila magka-date ang dalawa.

Yung una ay nang mag-movie marathon date sila.

Pangalawa ay noong Mother's Day na nakasama si Jak ng pamilya ni Barbie na kumain sa labas.

Dahil meron silang kanya-kanyang fans, itong mga ito ang umaalma dahil sa nangyari.

May nagsasabing parang naka-abante si Jak sa kanilang tatlo kay Barbie at puwedeng isipin na baka ang dalawa na sa totoong buhay.

May ganun din ba siyang pakiramdam?

Pagklaro ni Ken, "No, para sa akin po I don't care.

“Wala po akong pakialam kung ano po ang personal nila o kung ano ang nararamdaman nila.

“Sino ba naman ako para pigilan ang nararamdaman nila sa isa't isa?

"At ako, para sa akin, trabaho lang.

“Kung may ma-in love man kay Barbie, wala akong magagawa.

“Ang sa akin, gusto ko lang gawin ang trabaho ko nang mahusay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung anuman ang ibigay sa akin ng director at ng writer ng script dito sa Meant to Be, susundan ko yun.

“And kumbaga, sa personal na buhay, hindi ko na po papakialaman yun.

“Bahala na po ang fans kung sino po talaga ang gusto nila."

May mga fans nga nila na nagagalit lalo na at may kanya-kanyang team ng fans silang apat na lalaki.

"Hindi po natin maiiwasan, pero hindi naman po ako naiinis or nagtatampo kung bakit silang dalawa in person," giit pa niya.

Paano niya ipinapaliwanag sa mga fans nila na huwag mag-expect o umasa na siya ang makakatuluyan ni Barbie mapa-Meant to Be o sa totoong buhay man?

"Actually, hindi ko pa po sa kanila nae-explain dahil ang sa akin lang naman po, pinapaubaya ko na lang po sa GMA kung anuman ang desisyon nila.

"Alam naman po nila kung ano ang dapat," saad niya.

NOT A METEOR GARDEN CLONE. Sabi namin kay Ken, posibleng may expectation din siya na baka sa kanya mag-end up ang karakter ni Barbie sa Meant To Be dahil parang naka-peg sa Taiwanese serye na Meteor Garden ang kuwento at mga karakter nila.

At siya ang naka-peg sa karakter ni Jerry Yan bilang si Dao Ming Si na nakatuluyan ng bidang babae na si Barbie Hsu.

Pag-amin niya, "Noong umpisa pa lang po, ipinaliwanag naman po sa amin na hindi 'to tulad ng Meteor Garden.

“Until now hindi po namin alam kung ano ang ending.

"Promise po, hindi po namin alam.

“May nabanggit na through voting. So nasa boses pa rin po ng mga fans.

“Ano man ang mangyari sa amin personally, boses pa rin ng fans ang mananaig."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN