Ex-PBA player Paul Alvarez caught in a drug session with two other friends

IMAGE @dzbb on Twitter

Ex-PBA cager Paul Alvarez was caught in the middle of a pot session with two friends in Quezon City on Saturday night, June 3.


Nahuli kagabi, June 3, ang ex-PBA player na si Paul "Bong" Alvarez, kasama ang dalawa nitong kaibigan sa Quezon City, na diumano'y gumagamit ng shabu

Sa panayam ni Paul sa DZBB reporter na si Sam Nielsen, inamin nitong nagpa-pot session sila ng mga kaibigan nang dumating ang mga pulis.

Taliwas ito sa sinabi niya sa ABS-CBN News correspondent na si Angel Movido kung saan mariing itinanggi ng retired basketball player na gumagamit siya ng ipinagbabawal na gamot.

Aniya, "Na-corner lang talaga ako dahil dala nga nila yan 'tapos pahihiramin nila ako ng dalawang libo, ganun lang po yung nangyari."

Dagdag pa ni Paul, matagal na raw niyang itinigil ang bisyong ito.

Aniya, "Matagal na po, 2011 pa po."

Sa pagpapatuloy ng panayam, sinabi ni Paul na na-set up lamang siya ng kanyang mga kaibigan.

"Actually, nananahimik po ako sa Valenzuela, tignan niyo yung itsura ko," kuwento pa nito.

"Nakatsinelas lang ako. Sinundo lang po nila ako, Ma'am.

"Na-set up po ako ni Mike at saka ni ano..."

Nitong nakaraang April 23, inaresto rin ang dating basketball player sa Baguio City dahil naman sa reklamong pananakit sa kanyang live-in partner na nagngangalang Mary Ann Dungca Ting.

Matatandaang naglaro si Paul sa PBA para sa mga koponan ng Alaska (1989-1992), Sta. Lucia (1993), Shell (1994-1995), San Miguel (1995-1996), at Ginebra (1998).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN