Mo Twister slams Quezon City councilor Precious Hipolito-Castelo for shameless plug

IMAGE @djmotwister on Instagram / Facebook

Controversial radio jock Mo Twister minced no words when he cussed at Quezon City Councilor Precious Hipolito-Castelo on his Instagram account for her "shameless plug"—turning a village basketball court backboard into her very own billboard, with her name and face emblazoned in shocking pink.

 


Hindi nakaligtas kay Mo Twister ang nagmistulang billboard ni Quezon City Councilor Precious Hipolito-Castelo sa isang basketball court sa isang subdivision sa Quezon City.

Si Precious ay dating artista at brodkaster na ngayo'y konsehala sa second district ng lungsod.

Sa Instagram post ng U.S.-based radio disc jockey kahapon, June 3, minura nito si Precious dahil sa paglalagay ng pangalan at larawan nito sa backboard.

Ayon kay Mo, "Hoy @precioushipolito, P.I. ka!"—ballers from New Capitol Estates [NCE] in QC, probably. ”

"Hoy @precioushipolito, P.I. ka!" -- ballers from New Capitol Estates in QC, probably.

A post shared by Mo Twister ???????? (@djmotwister) on

May isang follower na pinuri ang pagpuna ni Mo sa "shameless plug" na ito ni Precious.

Ayon kay @jeffreymutia, “Thanks, motwister. NCE players would be really happy if they remove this ASAP.”

Sagot ni Mo, “@jeffreymutia yeah this is pretty fucked up. Quickly, someone draw a d*ck on her face.”

May isa namang follower si Mo na napansin ang kulay ng billboard ni Precious.

Sabi ni @migswagger, “@djmotwister don't sleep on the fact that the backboard is pink hahahaha.”

Pero para sa dating TV host, hindi raw ang kulay ng billboard ang isyu dito kundi ang pagpu-promote ng konsehala sa sarili.

Saad ni Mo, “@migswagger I don't have an issue with the color, it's the fucking narcissism to think that she's ruining these people's hobby by promoting herself, it's disgusting and @precioushipolito clearly seems to only care about her career and not the recreational well-being of the people there.

“You know what kind of politician that eventually makes her. The village management should be ashamed of themselves, and too bad Precious has the inability to feel shame.

“Growing up in a humble village, basketball was the only thing I looked forward to everyday. This fucking sucks hahaha but it's funny, in a fucking sucks way.”

May ilan ding followers si Mo na nagsabing gawain ito ng mga pulitiko sa lugar nila. Gamit ang pondo ng gobyerno, ipapaskil nila ang kani-kanilang pangalan at garapalang sasabihing sa kanila ang proyekto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May isa namang follower na pumuna sa paggamit ni Mo sa salitang “P.I.,” ngunit hindi siya sinagot ng radio host.

Ang latest update, ayon kay @jeffreymutia, "Thanks for making this viral. In less than 24 hours tinanggal na nila ang photo ni precious hipolito."

Sinubukang kunin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang panig ni Precious sa pamamagitan ng personal messaging sa Facebook, pero wala pa itong sagot.

Bukas ang website na ito sa pahayag ng konsehala.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN