Azenith Briones mulls filing case against Resorts World Manila over husband's death

IMAGE Azenith Briones Reyes on Facebook

Former actress Azenith Briones plans to take legal action against the management of Resorts World Manila in light of her husband's death due to suffocation last Friday morning, June 2. Certain areas of the casino were set ablaze by a lone gunman, Jessie Carlos, in what was initially believed to be a terrorist attack, but turned out to be a senseless robbery attempt.

 


Pinag-aaralan na raw ngayon ng kampo ni Azenith Briones ang posibilidad ng pagsampa ng reklamo laban sa pamunuan ng Resorts World Manila (RWM).

Ito ay matapos pumanaw ang kanyang asawang si Eleuterio Reyes dahil sa suffocation bunga ng pagkasunog ng casino ng RWM nitong Biyernes ng madaling araw, June 2.

Sa ulat ng ABS-CBN online ngayong araw, June 4, sinabi ng original Temptation Island star na nakikipag-usap na raw siya sa kanyang abugado para sa posibleng reklamong isasampa nila laban sa casino.

Saad niya, "Ang bulok ng intelligence.

"Nasaan kayong mga security? Kasi kasiraan na rin ng Resorts World iyon.

"Gusto niyo po bang pumunta doon kung ganito ang nangyayari?"

Matatandaang nasa RWM sina Azenith at Eleuterio noong Biyernes ng gabi para sa isang meeting. Nagkahiwalay sina Azenith at Eleuterio dahil bumili ng pagkain ang una nang biglang may umalingawngaw na putok ng baril sa casino area.

Kasunod nito ang sunog kunsaan napuruhan ang casino area na kinaroroonan ni Eleuterio. Sa imbestigayson ng pulisya, nakita ang katawan nito sa loob ng banyo kasama ang iba pang empleyado at guests ng casino.

Ayon sa pinakahuling ulat, 38 na raw ang nasawi sa insidente at bibigyan daw ng Resorts World ng tig-isang milyon ang mga pamilya ng namatay.

Sa isang presscon na idinaos ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ngayong Linggo, June 4, pinangalanan na ang lone gunman bilang si Jessie Carlos.

Iniharap din ng pulisya ang mga magulang ni Jessie na isang dating empleyado ng Department of Finance (DOF) at diumano ay lulong din sa droga.


Stories We Are Tracking

Singer, actress recall terrifying experience at RWM incident
Singer, actress recall terrifying experience at RWM incident
Azenith Briones's husband among dead in Resorts World attack
Azenith Briones's husband among dead in Resorts World attack


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN