FHM June 2017 cover girl Roxanne Barcelo: "Bet on your dreams."

IMAGE FHM Philippines

FHM Philippines June 2017 cover girl Roxanne Barcelo takes pride in believing in herself and trusting her gut instincts: "If there's one thing you should bet on, it's yourself. If you're not willing to bet on your dreams, who will be able to bet on you?"

 


Kasabay ng pagbago ng pangalan ni Roxanne Barcelo ay ang pagbago ng kanyang image.

Mula sa kanyang dating sweet at teenybooper image, ngayon ay masasabing mas sexy, daring at mature na ang dating ng aktres na mas kilala na bilang si Roxee B.

Bilang patunay nito, hindi siya nagdalawang-isip na mag-pose para sa June 2017 issue ng FHM Philippines.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Roxee sa nakaraang Ginebra San Miguel World Gin Day 2017 na ginanap sa Pool Bar ng EDSA Shangri-La Manila nung nakaraang Huwebes, June 1, masaya at proud na ibinahagi sa amin ng aktres na matagal na pala niyang pangarap talaga ang mag-pose para sa FHM.

Matatandaang na-feature na rin pala si Roxee sa inside pages ng FHM noong July 2013 at December 2014, at itinanghal din siya bilang FHM Online Babe noong June 2014.

Kuwento niya, “It was actually released today.

“I love the rebranding of FHM.

“It’s actually an honor for me to host the rebranding of this big event last year when we crowned Jessy Mendiola as the hottest, the sexiest for 2016.

“It went full circle kasi this year naman I’m on the cover.

“Nung tinawagan ako, I was so happy kasi it’s been a dream of mine to pose for the magazine pero when it actually came out, when I read the article, nagulat ako na that’s their view on how my career went.

“Nag-iba ang tingin ko sa journey ko.

“It was such an eye-opener, such an inspiring view on how they looked at my story.

“It’s so tasteful.

“More than anything else, it’s really artistic and it seems timely that I'm celebrating this season of my life now.

“I'm experiencing a lot of things in my life, like I’m co-producing my album.”

BET ON YOUR DREAMS. Dahil sa mga magagandang nangyayari sa kanyang career at personal na buhay, naniniwala si Roxee na ang mahalaga dito ay ang mga natutuhan niya tuwing sumusugal siya para sa sarili.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’ve done other businesses per se like I tried a salon, I tried a sports brand, I invested in other businesses.

“If there’s one thing you should bet on, it’s yourself.

“If you’re not willing to bet on your dreams, who will be able to bet on you?

“I think that’s the kind of attitude I want to maintain—to try my best and believe in myself, collaborating with people I feel easily connected with and brilliant and what they do and will make us look good,” saad niya.

NOT YET READY TO SETTLE DOWN. Apat na taon na ang relasyon nila ni Will.

Nakikita ni Roxee na ang kasintahan na ang gusto niyang makasama habang-buhay pero sa ngayon ay mas focused muna siya sa kanyang sarili at trabaho.

Pagmamalaki niya, “One thing in our relationship is we’re really best friends.

“No matter what happens, we are best friends.

“At the end of the day, kabarkada ko siya and he believes in me, I believe in him.

“Hopefully, I want to end up with my best friend.

“All my friends are married na, everyone has kids, a lot of my friends have kids.

“One thing I believe in is to celebrate your season.

“It’s not my season yet, but I celebrate their season.

“When they got married, I was there, I celebrated with them and celebrated for them.

“At this season in my life, I was very happy that my friends celebrate with me.”

Tulad ni Will, dalawang taon pa ang binibigay ni Roxee sa kanyang sarili bago sila tuluyang magdesisyon na lumagay sa tahimik at magkaroon ng sariling pamilya,

Estima niya, “I guess around that time.

“Siyempre I would like to work more, this is the time to work and really go all out.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Di kasi ako half-hearted na person. It’s either 100% or not at all.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN