Pia Wurtzbach accused of making up story by late dad's partner

IMAGE @piawurtzbach on Instagram

Pia Wurtzbach has yet to comment on claims that her late father, Uwe Wurtzbach, was falsely portrayed in the June 3 episode of Maalaala Mo Kaya depicting her life. Her accuser claims to be the live-in partner of Uwe before he died.


Inalmahan ng isang Robie Asingua ang pagsasadula sa huling phone conversation ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa kanyang namayapang ama na si Uwe Wurtzbach.

Kaugnay ito ng ipinalabas na life story ni Pia sa ABS-CBN drama anthology na Maalaala Mo Kaya noong Sabado, Hunyo 3.

Si Liza Soberano ang gumanap na Pia sa naturang episode ng MMK.

Si Robie, na nakatira sa Puerto Princesa, Palawan, ay nagpakilalang live-in partner ni Uwe noong nabubuhay pa ang huli. 

Sa kanyang Facebook post kahapon, Hunyo 4, mariing pinabulaanan ni Robie ang pagsasadula na nanghingi ng pera kay Pia ang ama nito nang manalo ang dalaga bilang 1st runner-up sa Binibining Pilipinas noong 2013.

Pahayag ni Robie: “What a hell are you doing Pia Alonzo Wurtzbach, making a false story oh yeah you are a big liar your papa never ask money from you, shame to yourself...

“Your mama got an affair with neighbor name Jojo, that's why papa abandoned your mother and you pretty wow know that all...”

Narito ang kopya ng Facebook post ni Robie: 

Sinabi rin ni Robie na ang anak niyang nagngangalang Alexander ay kapatid sa ama ni Pia.


ALLEGED FALSE PORTRAYAL. Sa MMK episode noong Sabado, mayroong bahagi kung saan nakatanggap si Pia ng tawag mula sa ama makalipas matagal na panahong hindi pag-uusap.

Dito ay binati ni Uwe si Pia sa pagkapanalo nito sa pageant.

Pagkatapos ay kinausap din si Pia ng nagpakilalang asawa ng kanyang ama.

Ibinalita ng hindi pinangalanang babae na nakatira sila ng ama ni Pia sa Puerto Princesa.

Nakiusap ang babae kung maaaring padalhan ni Pia ng pera ang ama nitong may sakit sa puso.

Pero tumangging magbigay ng pera si Pia dahil sapat lang sa pansariling gastos ang kinikita niya noon.

Base pa rin sa pagsasadula ng MMK, pumanaw si Uwe noong 2014 nang hindi sila nagkakaayos ni Pia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May isang bahagi rin ng kuwento kung saan pinagsisihan nang husto ni Pia ang hindi pagtulong sa ama.

Naipon daw ang sama ng loob ni Pia mula nang iwan ng ama ang kanilang pamilya noong siyam na taong gulang pa lang siya.

Lalo pa’t lumaking daddy’s girl si Pia at minsan pang pinagtanggol ang ama kahit na nambababae ito noong panahong nagsasama pa ang mga magulang ng beauty queen.

ROBBIE CALLS PIA A "BIG LIAR." Sa comments section ng Facebook post ni Robie, sinagot nito ang mga nagtatanong tungkol sa mga alegasyon niya laban kay Pia.

Tinawag ni Robie na “big liar” si Pia dahil sa diumano’y paninira umano ng beauty queen sa namayapang ama nito.

Pag-ulit ni Robbie, “Kaya nga, big liar gusto pa magpasikat sikat naman sana...yung namatay nga c daddy ni singkong duling di tumulong yan...

“Shame to herself, sana multohin ni Uwe walanghiya sya...cnungaling, sana madapa sya ng subra at mawala lahat sa kanya...”



Nilinaw rin ni Robbie na hindi siya ang katulong na kinasama ng ama ni Pia nang makipaghiwalay ito sa ina ng beauty queen. 


Sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na kapanayamin si Robie via Facebook messaging, ngunit hindi pa sumasagot ang huli sa ngayon. 

Hiningan din ng PEP si Pia ng komento sa reklamo ni Robie sa pamamagitan ng Instagram direct messaging, ngunit wala pang sagot ito at press time. 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN