Barbie Imperial admits Paul Salas was her crush; is he courting her?

IMAGE Nerisa Almo

Barbie Imperial on being close to her former crush Paul Salas: "Sobrang saya kasi parang dati po inaabangan lang namin siya sa airport. 'Tapos ngayon, nakakaharap na namin siya, kaharap talaga."


Hindi pa tuwirang masabi ng GirlTrends member na si Barbie Imperial kung ano ang estado ng relasyon nila ngayon ni Paul Salas.

Napansin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na tahimik lang na naghihintay si Paul sa backstage, habang abala si Barbie sa ginanap na Skechers Move In Style fashion show noong Sabado, June 3.

Kaya nang makausap ng PEP si Barbie matapos ang event, tinanong namin kung nanliligaw sa kanya si Paul.

Nakangiting sabi ng dating Pinoy Big Brother housemate, “Mas maganda po kung sa kanya manggaling.”

Kapansin-pansin din sa Instagram account ni Barbie na madalas nagko-comment si Paul.

May isang post nga siya noon kung saan sinabi ng young actor: “You're the most beautiful woman I've ever met.”


Gayunman, nilinaw ni Barbie na matagal na silang magkaibigan ni Paul.

“Friends na po kami talaga noong dati pa, paglabas ko ng PBB.”

Nakakatuwa raw isiping malapit na siya sa dati niyang celebrity crush.

Ani Barbie, “Dati po, noong di pa ako nag-aartista, fan niya po talaga ako.

“Nabubuhay nga po ng fans ang mga dating tweets ko kay Paul na, 'Uy, follow mo naman ako. Crush na crush kita.'

“Ngayon, mas nagiging close na close kami, kasi siyempre wala naman nang nagbabawal na makipag-close sa ibang tao.

“Parang time naman na maging friends sa ibang tao para mas maging happy po.”

Dagdag pa niya, “Siyempre po, noong una kaming nagkita, noong nagkita kami nang harapan... Siyempre po, kapag fan ka lang talaga, hindi ka makakalapit nang harapan sa idol mo.

“So ngayon, sobrang saya, kasi parang dati po inaabangan lang namin siya sa airport.

“Tapos ngayon, nakakaharap na namin siya, kaharap talaga.”

SWIPE ???? to see who's waiting for Barbie Imperial at the backstage area.

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on

Samantala, may pakiusap naman si Barbie sa fans niya at ng Hashtags member na si Ryle Paolo Tan, na dating na-link sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inamin ng 18-year-old Star Magic talent na nanligaw sa kanya noon si Ryle.

Pero aniya, “Medyo naging rough... Medyo nawala lang po kasi medyo may naging problem lang.”

Sa ngayon, tila apektado pa rin ang ilang fans sa nangyari sa kanila.

Kaya ang pakiusap ni Barbie, “Hopefully, maging okay, kasi hanggang ngayon ang mga fans nag-aaway.

“Sana maging okay na para kami rin ni Ryle maging okay na nang tuluyan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN