Arci Muñoz neither confirms nor denies lip-injection rumors

IMAGE Noel Orsal

Pabor daw si Arci Muñoz sa mga taong may pinapaayos sa katawan kung ito ay nakakadagdag ng kanilang confidence. Pahayag ng aktres, "Ako, personally, I'm not against it. So, it's my body, and whatever makes me comfortable, more comfortable, and more confident to my... sa aking sarili, I'll do it."


Marami ang nakapansing may nag-iba sa mukha ng Kapamilya star na si Arci Muñoz.

Obserbasyon ng karamihan, medyo nagbago ang mga labi ng aktres.

Kaya naman nilinaw ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Arci ang tungkol dito.

May pinaayos ba siya sa kanyang mukha?

Tugon ng 28-year-old Kapamilya actress, “Masaya ako, basta happy ako. I’m just really happy.

"I think, more than the physical appearance, it’s the inside na ano, nagri-reflect."

Tanong muli ng PEP: May pinabago ba siya sa kanyang mukha?

Sagot ni Arci, “E, nagpapakapal naman talaga ako ng lipstick, e.

"Nilalagpasan ko yung lipstick ko, e."

Lipstick lang?

“Yes.”

Walang pinaayos?

“Ano ba, napaka-open naman natin. So, ano ba?”

So, hindi niya idini-deny?

Ayon sa aktres, “It’s open naman, di ba, we can… Ako, personally, I’m not against it.

"So, it’s my body.

"And whatever makes me comfortable, more comfortable, and more confident to my... sa aking sarili, I'll do it."

Mas kumportable na siya sa kanyang hitsura ngayon?

“With my new look? What? If I remove my lipstick, my lagpas lipstick, I’ll probably look the same.

"I'll probably look like a Grade Six student.

"So, yun, walang much difference."

Ekslusibong nakausap ng PEP si Arci sa blogcon ng bagong movie nila ni Gerald Anderson, ang Can We Still Be Friends, sa isang coffee shop sa Katipunan, Quezon City, ngayong Lunes, June 5.


Mapapanood na sa mga sinehan ang pelikulang ito ng Star Cinema simula sa June 14.

BOSSES FAVE? Sunud-sunod ngayon ang proyekto ni Arci sa ABS-CBN. Masasabi ba niyang paborito siya ng mga boss ng network?

Tugon niya, “Talaga? Ako, I just really trying to enjoy my work.

“Sabi ko nga, I never considered myself a celebrity, e.

"I was really blessed to do what I love."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa ni Arci, lahat ng proyektong ibinibigay sa kanya ng istasyon ay pinahahalagahan niya.

“Oo, siyempre. Parang ito [movie], nung binigay sa akin yung script, pagkabasa pa lang ng title, tinanggap ko na, e.

"Gets ko na, e. Pagkabasa ko, sabi ko, ‘Wow, love story 'ko 'to, a. MMK ko to, e."


Stories We Are Tracking

Is Arci Muñoz willing to be friends with her ex-boyfriend?
Is Arci Muñoz willing to be friends with her ex-boyfriend?
Arci shrugs off negative comments about breakup with Badi
Arci shrugs off negative comments about breakup with Badi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN