Apl.de.ap performs with Ariana Grande at One Love Manchester; asks for prayers for Philippines

IMAGE Photo grabbed from BBC Music

Filipino pride Apl.de.ap performs with Ariana Grande at One Love Manchester, the benefit concert organized by Ariana in the wake of the Manchester terror attack.


Kabilang ang Fil-Am rapper na si apl.de.ap at ang grupo niyang Black Eyed Peas sa mga nag-perform sa One Love Manchester concert ni Ariana Grande nitong weekend.

Ang One Love Manchester ay ang benefit concert ni Ariana para sa pamilya ng mga biktima ng bombing sa kanyang concert sa Manchester, England, noong May 22, kung saan tinatayang 23 katao ang nasawi, habang 19 ang nasugatan at 23 ang naging kritikal.

Ang One Love Manchester, na ginanap nitong June 4 (UK time), ay dinaluhan din ng iba pang bigating international singers, gaya nina Justin Bieber, Miley Cyrus, Katy Perry, Usher, Pharrell Williams, at Coldplay.

Kinanta ng Black Eyed Peas, kasama si Ariana, ang 2003 hit song nilang "Where Is The Love."

Sa isang punto ng kanilang performance ay napaiyak si Ariana, na labis na naapektuhan nang mangyari ang pagsabog sa kanyang concert sa Manchester.

Ipinost naman ni apl.de.ap sa kanyang Instagram account ang performance nila sa Manchester kasama si Ariana:

“What an incredible experience to be apart of. The ???????? [Great Britain] has always been a big part of the @bep life, and to do a benefit show for Manchester less than 24 hours after the tragedy in London is just extremely sad. #wheresthelove #oneloveManchester #unitedmanchester”

Ang tinutukoy ni Apl ay ang isa pang terrorist attack sa London Bridge nitong Sabado, June 3, o isang araw bago ang benefit concert.

Tinatayang pitong katao ang nasawi at 50 naman ang sugatan sa insidente.

Sa pinakahuling post ni Apl tungkol sa concert, humiling din siya ng panalangin para Pilipinas.

Caption ni Apl: “Now let's start spreading love for my country Philippines, we need it as well”

Kasalukuyang nasa ilalim ng martial law ang buong Mindanao dahil sa sagupaan sa pagitan ng mga sundalo at ng terrorist group na Maute group sa sa Marawi City.

Nito namang weekend ay isang gunman ang sumalakay sa Resorts World Manila, kung saan 37 ang namatay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN