Pia Wurtzbach's sister issues warning to half-brother: "Baka mapahiya ka."

IMAGE Noel Orsal

Pia Wurtzbach's (right) younger sister Sarah (left) has a message for half-brother Alexander Wurtzbach: "Baka gusto mong kalkalin ko yung mga message nyo ng nanay mo sa amin."


Hindi pinalampas ng kapatid ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na si Sarah Wurtzbach ang alegasyong ibinabato ngayon laban sa 26-year-old beauty queen.

Kaugnay ito ng reklamo ng mag-inang Robie Asingua at Alexander Wurtzbach hinggil sa diumano’y pagsira ni Pia sa pangalan ng yumao nitong ama na si Uwe Wurtzbach.

Base ito sa huling phone conversation nina Pia at Uwe na isinadula sa ABS-CBN drama anthology na Maalaala Mo Kaya noong Sabado, Hunyo 3.

READ: Pia Wurtzbach called "big liar" by late dad's partner

Si Robie ay nagpakilalang live-in partner ni Uwe, at ang anak nilang si Alexander ay sinasabing half-brother ni Pia.

READ: Pia Wurtzbach's half-brother to Miss Universe 2015: "You're a liar!"

Si Sarah, na kasalukuyang naninirahan sa United Kingdom, ang nakababatang kapatid ni Pia na kasama nitong lumaki sa Cagayan de Oro.

Buwelta ni Sarah: “Baka gusto mong kalkalin ko yung mga message nyo ng nanay mo sa amin.  

“Baka mapahiya ka. [peace emoji]

“tigil na kasi, ayan na fame oh! EMBRACE IT!”


Ang pahayag na ito ni Sarah ay makikita sa comments section ng Facebook post ni Alexander, kung saan inakusahan ng huli na sinungaling si Pia.

Sinagot din ni Sarah ang isang netizen na nagkomento tungkol sa balak niyang maglabas ng ebidensiya laban sa mag-inang Robie at Alexander.


Sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hingan ng opisyal na pahayag si Sarah, ngunit hindi pa ito sumasagot sa kasalukuyan. 

Mananatiling bukas ang PEP sa anumang pahayag ng mga personalidad na nabanggit sa artikulong ito. 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN