Pia Wurtzbach camp denies allegations of her half-brother and late dad's partner

IMAGE Mark Atienza

A PEP source close to Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach answers allegations hurled against her by half-brother Alexander Wurtzbach and late father's partner Robie Asingua.


Mariing pinabulaanan ng kampo ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang alegasyong nagsinungaling ito sa isinadula niyang life story, partikular na ang nagkalamat na relasyon nila ng yumaong amang si Uwe Wurtzbach, sa episode ng Maalaala Mo Kaya (MMK) noong Sabado, June 3.

Lunes ng gabi, Hunyo 5, nakatanggap ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng feed mula sa isang source na malapit kay Pia.

Iginiit ng source na totoo ang eksenang ipinakita sa MMK, kung saan sinubukan ng ama ni Pia na manghingi ng pera nang manalo ang dalaga bilang 1st runner-up sa Binibining Pilipinas 2013.

Noong nabubuhay pa raw si Uwe, hiniling nitong tustusan ni Pia ang pag-aaral ng nakababata nitong half-brother na si Alexander Wurtzbach.

Kuwento ng source sa PEP, “This was during the Binibini days.

“I’m sure not a lot of people know, but when you are 1st runner-up, wala ka ding pera from winnings 'coz technically you don’t have a crown.

“So, Pia said she couldn’t help.”

Ayon pa sa source, kung minsan ay mismong si Pia pa ang pinadadalhan ng pera ng nakababata nitong kapatid na si Sarah Wurtzbach, na naninirahan sa United Kingdom.

Kaya hindi raw talaga makakapagpadala ng tulong pampinansiyal ang beauty queen sa ama nito noon.

Halos tugma ito sa huling phone conversation ni Pia at ng ama nito, na isinadula sa Maalaala Mo Kaya.

Ang Kapamilya actress na si Liza Soberano ang gumanap na Pia sa naturang episode.

Sa eksena ay nakatanggap si Pia ng tawag mula sa ama at kinakasama nitong taga-Puerto Princesa, Palawan.

Ayon sa pagsasadula, tumanggi si Pia na magbigay ng pera sa kanyang amang may sakit sa puso dahil pansariling gastos lamang daw ang kayang tustusan ng actress-beauty queen noong panahong iyon.

ALLEGATIONS VERSUS PIA. Pero taliwas ito sa reklamo ni Robie Asingua, live-in partner ni Uwe, na nagsasabing hindi kailanman humingi ng pera ang huli mula kay Pia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW




Ayon kay Robie, ang anak niyang si Alexander ay kapatid sa ama ni Pia.

Nagpatutsada rin si Robie na ang ina ni Pia na si Cheryl Alonzo Tyndall ay may nauna nang asawa bago si Uwe, at mayroon na ring bagong mister sa kasalukuyan.


Maging ang half-brother ni Pia na si Alexander Wurtzbach ay inalmahan ang diumano’y paninira ng beauty queen sa kanilang yumaong ama.


Stories We Are Tracking

Pia Wurtzbach's half-brother slams Miss Universe 2015
Pia Wurtzbach's half-brother slams Miss Universe 2015
Pia Wurtzbach called
Pia Wurtzbach called "big liar" by late dad's partner

Kahapon, Hunyo 5, inihayag din ni Alexander na ang kapatid ni Pia na si Sarah ay hindi biological daughter ni Uwe.


PIA "SECOND LEGITIMATE FAMILY" OF HER DAD. Ngunit buwelta ng PEP source na malapit kay Pia, "Not true!"

Wala umanong katotohanan na hindi tunay na anak ni Uwe ang nakababatang kapatid ni Pia na si Sarah.

Base pa rin sa kuwento ng source, legal na kasal sina Uwe at Cheryl, na unang nagkakilala bilang “pen pals.”

Ang dalawa nilang anak na sina Pia at Sarah ay pareho umanong ipinanganak sa Germany, kung saan sandaling nanirahan ang kanilang pamilya bago sila nagtungo sa Pilipinas at nanirahan sa Cagayan de Oro.

Pero dagdag ng source, totoong nagkaroon ng unang asawa si Uwe bago nito nakilala si Cheryl. Pumanaw na raw ang first wife ng ama ni Pia na taga-Europe.

Si Cheryl naman ay dalaga pa nang makilala si Uwe.

Maituturing na “second legitimate family” si Cheryl at ang mga anak na sina Pia at Sarah.

Kuwento pa rin ng source, mayroon umanong nakatatandang kapatid na lalaki sina Pia at Sarah mula sa unang pamilya ng ama.

At “civil” naman daw ang relasyon ng tatlong nabanggit na magkakapatid.

Sinubukan ng PEP na hingan ng opisyal na pahayag si Pia at kapatid nitong si Sarah Wurtzbach kaugnay ng alegasyon ng mag-inang Robie at Alexander.

Wala pang sagot ang mga ito sa kasalukuyan.

Gayunman, nauna nang binalaan ni Sarah si Alexander na tigilan na ang paninira sa kapatid nilang si Pia. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

Pia Wurtzbach's sister issues warning to half-brother
Pia Wurtzbach's sister issues warning to half-brother

(Correction has been made on the marital status of Cheryl, who was single when she married Uwe.- ED)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN