Ella Cruz cries foul over accusation that their whole family uses glutathione

IMAGE Noel Orsal

Ella Cruz on handling bashers: "Part yun ng pagiging artista. Kahit hindi ka artista, naba-bash ka pa rin, so okey lang. It's good to receive negative feedbacks kasi malalaman niyo kung saan kayo mag-a-adjust, kung saan kayo mag-e-excel."


May 2.3 million Instagram followers si Ella Cruz.

At tulad ng halos lahat ng mga artista ay hindi siya nawawalan ng bashers.

Kadalasan, hindi niya pinoproblema ang pamba-bash ng ilang netizens, maliban na lang daw kapag idinadamay ang kanyang pamilya.

Ang katuwiran ni Ella, siya lang naman ang artista kaya hindi tama na isali ang pamilya niya ng mga basher.

Saad ng young actress, “Kahit maraming followers, marami rin ang nagba-bash, pero part yun ng pagiging artista.

“Kahit hindi ka artista, naba-bash ka pa rin, so okey lang.

“It’s good to receive negative feedbacks kasi malalaman niyo kung saan kayo mag-a-adjust, kung saan kayo mag-e-excel.”

Patuloy ni Ella, “Hindi ko pinapansin, pero depende.

"Kapag about family ko na, medyo dun na ako pumipitik.

“Kasi siyempre, ako lang naman yung artista, ako lang ang pakialaman nila.

“Pero kapag yung, ‘Uy, hindi siya magaling,’ okey lang yun.”

Inamin ng young actress na hindi niya ikinatuwa ang paratang ng bashers na gumagamit ng glutathione ang buong pamilya niya kaya mapuputi silang lahat.

Pahayag niya, “Pinakamasakit, family talaga, kapag family ko na ang tinitira.

“Parang si Mama raw, masyadong strict.

“Alam ko strict si Mama, pero may limitation siya.

“And then, yung ate ko, snob daw. Ba’t kayo papansinin ng ate ko, hindi naman siya artista? Mga tipong ganoon.

“Meron pa, isang beses, parang buong family ko raw, naggu-gluta [glutathione], kasi lahat daw kami maputi.

“Ano, lahat kami maputi?”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ella sa set ng Fangirl/Fanboy, ang launching movie ng love team nila ni Julian Trono sa Viva Films.

VIVA’S NEW FAVORITE? May sagot din si Ella isyu na ang love team nila ni Julian na raw ang bagong paborito ng Viva Films, hindi na ang love team nina James Reid at Nadine Lustre.

Saad niya, “Favorite talaga? Nakakatuwa naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sobrang na-overwhelmed kaming dalawa ni Julian sa mga ibinibigay nila na project, especially sa super big project na’to, ang Fangirl/Fanboy, na ipinagkatiwala sa amin.

“Overwhelmed, at the same time, sobrang thankful kami kaya ginagawa talaga namin ang best namin.

“Kasi yun ang maibibigay namin na sukli sa kanila.”

Hindi raw maiwasan ni Ella na makaramdam ng pressure habang papalapit na ang playdate sa August 2017 ng launching movie nila ni Julian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN