Sinon Loresca opens up about British husband: "He's very straight acting."

IMAGE Noel Orsal

Kahit very open si Sinon Loresca sa pagkakaroon ng British husband, nananatiling misteryo ang katauhan ng kanyang mister. Paliwanag ng TV personality, "Very discreet siya sa work niya para hindi malaman na bakla siya. He's very-straight acting. Even girls, hindi malalaman na bakla siya, mga relatives lang niya."


Time out muna si Sinon Loresca sa taping ng bagong Kapuso afternoon drama series na Impostora at sa daily appearance niya sa Eat Bulaga.

Magbabakasyon kasi siya ng sampung araw—mula June 17 hanggang June 27—sa London, England.

Dadalawin doon ni Sinon ang kanyang Briton husband, na ayaw ipabanggit ang pangalan bilang proteksiyon sa sarili.

Sabi ni Sinon tungkol sa kanyang mister, “Very discreet siya sa work niya para hindi malaman na bakla siya. He’s very straight acting.

“Even girls, hindi malalaman na bakla siya, mga relatives lang niya.

“May pictures kami ng kasal namin, nagba-bonding kami, nagta-travel abroad, pero hindi kami naglalabas sa social media.”

Patuloy ng tinaguriang King of Catwalk, “Ayaw niya ipabanggit ang pangalan niya, kahit noong ma-feature ang life story ko sa Magpakailanman.

“He’s a very private person.

“He’s 38 years old, bata pa siya.

“I’m 28 years old, ten years ang age gap namin.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sinon sa presscon ng Impostora, Lunes ng gabi, June 5.

THE WEDDING. Ikinasal daw sila noong 2010.

Kuwento ni Sinon, “Siya ang nag-offer ng kasal.

“Kasi nung moment na yun, pabalik na ako sa Pilipinas, mag-dyowa na kami.

“Sabi ko, ‘Uuwi na ako ng Pilipinas, ikaw, long-distance relationship tayo.’

“Sabi niya, ‘I will do everything na mag-stay ka sa London. Gagawin natin ang lahat ng paraan.’

“So, pinakasalan niya ako.

"Nagkaroon ako ng papeles hanggang naging residente na ako.

“Ang passport ko, residente pa rin. One step na lang, British na ako.”

Patuloy niya, “Loresca ang ginagamit ko na family name, hindi ko ginamit ang surname niya.

“Feeling ko, OA na, parang babae na nga ako sa relasyon.

“At the end of the day, basta kasal na kami, okey na ako doon.

“Hindi ko na papalitan ang name ko, happy na kami sa isa’t isa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LONG-DISTANCE RELATIONSHIP. Kumusta naman ang long-distance relationship nila? Habang si Sinon ay nandito sa Pilipinas, ang mister naman niya ay nasa England.

Saad ni Sinon, “Okey ang relasyon namin, so far.

"Ang husband ko, napaka-supportive.

“Okey lang sa kanya na malayo kami sa isa’t isa.

"Alam naman niya na ito ang pangarap ko, susuportahan niya ako.

“Kagaya ngayon, ako ang magta-travel, so siya naman ang magbabalik sa Pilipinas this year, probably November.    

“Dito siya nag-Christmas at nag-New Year last year. For two months, dito siya sa Pilipinas.

“Artista na ako noon, pero discreet siya.

“Kasama rin namin ang family ko sa mga lakad namin para hindi malaman na asawa ko siya.”

Maingat daw sila kapag lumalabas sila rito sa Pilipinas.

Paliwanag ni Sinon, “Ang daming risks.

"Una, kapag naglalakad ka, pagtitinginan ka nila. Pag-uusapan ka nila.

"Kasi yung iba naman hindi open-minded. Hindi ka nila maiintindihan.

"So minsan, mahirap, lalo na sa Pilipinas.

“Pero sa ibang bansa, nung nasa UK ako, naglalakad ako na naka-holding hands ako sa asawa ko.

“We don’t care, they don’t care. Doon legal kami, we have freedom.

“Pero sa Pilipinas, as respect, Roman-Catholic country tayo, ang ginagawa na lang namin, discreet.

“Sige, mag-holding hands na lang tayo kapag nasa gay club.”

Hindi ba seloso ang husband niya?

Sagot ni Sinon, “Hindi siya seloso, pero minsan nagtatanong siya kung ‘Kumusta ka na? Baka may ka-date ka na diyan?’

“Sabi ko naman, ‘Nangako na tayo sa isa’t isa. Kasal na tayo, magtiwala ka lang.’

Dagdag pa niya, “Faithful pa naman ako. Hindi pa naman ako nanlalalaki.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN