Maine Mendoza flies to Maldives; Sef Cadayona to follow?

IMAGE Reielle Deslate

Maine Mendoza flew to Maldives yesterday, June 5, for a few days of vacation and to celebrate her sister Coleen's birthday.


Sa kabila ng pagde-deactivate ni Maine Mendoza ng kanyang Twitter account, updated pa rin ang kanyang loyal followers sa mga kaganapan sa buhay ng phenomenal star.

Umalis ng bansa si Maine kahapon, June 5, para sa ilang araw na bakasyon sa Maldives.

Kasama niyang umalis ang kapatid na si Coleen Mendoza, ang celebrity hairdresser na si Celeste Tuviera, at ang Eat Bulaga! executive na si Jenny Ferre.

Wala raw silang pinagsabihan kung saan sila pupunta, pero hindi pa rin ito naging sikreto sa ilang AlDub fans.

Kahit naka-deactivate ang Twitter ni Maine, kinumpirma ng ilang fans ang pagpunta ni Maine at ng kanyang grupo sa Maldives.

Bukod kasi sa matagal nang hiling ni Maine ang makapagbakasyon sa Maldives, nataon pang birthday ng kanyang kapatid na si Coleen.

Ang Maldives or Republic of Maldives ay isang South Asian island country na matatagpuan sa Indian Ocean.

Matatagpuan sa Maldives ang private and secluded resorts na nagiging vacation haven ng ilang Hollywood celebrities.

Kabilang sa local celebrities na nakapagbakasyon na sa Maldives ay sina Vic Sotto at Pauleen Luna, Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo, at Megan Young and Mikael Daez.

FANS TWEET. Wala talagang kawala si Maine sa kanyang fans dahil sunud-sunod ang posts nila ng pagdating at pag-welcome sa kanya sa Maldives.

Narito ang ilan sa kanilang tweets:

Kasabay ng ilang araw na bakasyon ni Maine para makapagpahinga at malayo sa stress ng showbiz ay ang balitang susunod daw sa Maldives ang nali-link sa kanyang Kapuso comedian na si Sef Cadayona.

Sa ngayon ay puro hearsay lang at walang confirmation na susunod si Sef sa Maldives.

Wala ring balita kung susunod doon ang ka-love team ni Maine na si Alden Richards.

Bago raw mag-weekend ay babalik agad si Maine sa Pilipinas dahil may mga events itong dadaluhan kasama si Alden.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN