ABS-CBN reporter Chiara Zambrano clarifies viral 'love story' with a fallen soldier in Marawi

IMAGE Facebook of Chiara Zambrano

Naging viral sa social media ang Facebook post ng ABS-CBN reporter na si Chiara Zambrano tungkol sa isang sundalong nagbiro sa kanya na liligawan daw siya nito pagbalik galing sa giyera sa Marawi City. Ngunit hindi na nakabalik nang buhay ang nasabing sundalo.


Nilinaw ng ABS-CBN reporter na si Chiara Zambrano ang nilalaman ng Facebook post niya tungkol sa naging biruan nila ng isang sundalo bago ito sumabak sa giyera sa Marawi City.

Si Chiara ay kapatid ng GMA News reporter na si Mark Zambrano, na boyfriend naman ng singer na si Aicelle Santos.

Kasalukuyang nasa Marawi City si Chiara upang maghatid ng balita sa kanyang home network tungkol sa sagupaan sa pagitan ng militar at ng ISIS-inspired terrorist group na Maute.

Nasa pangalawang linggo na ngayon ang giyera sa Marawi, kung saan halos maituturing nang ghost town ang nasabing siyudad.

"BUMALIK KA NANG BUHAY..." Sa Facebook post ni Chiara noong Biyernes, June 2, inilahad niya ang pagtatagpo nila ng isang grupo ng marines bago umalis ang mga ito para sa kanilang assignment sa Marawi.

Narinig daw niya ang isa sa mga ito na nagbiro sa kanya.

Kuwento ng ABS-CBN News reporter, "'Pagbalik ko, liligawan kita.'

“Mahina lang ang pagkasabi niya, halatang biro lang para patawanin ang mga katabi niyang tropa.

"Eh kaso tumalbog yung tunog papunta sa'kin sa kabilang kalsada.

"'Narinig ko yon,' sabi ko. Nagtawanan sila.

"Si Tap di malaman kung saan magtatago at hiyang hiya.

"'Bumalik ka muna nang buhay, saka tayo mag-usap,' ang huli kong sinigaw.

"Kumaway siya nang nakangisi, sabay andar na ng truck papunta sa Mapandi Bridge."

Ngunit hindi na raw sila nakapag-usap muli dahil namatay ang sundalo sa sagupaan.

Ang sundalong tinutukoy niya ay si TSG Aldrin 'Tap' Dinglasan, sniper ng Marine Special Operations Group (MARSOG).

Patuloy ni Chiara, “Hindi na nakabalik si Tsg Dinglasan nang buhay noong araw na iyon.

"Siya ang kaisa-isang Marine na pumanaw noong araw na binawi ng Marines ang Mapandi Bridge mula sa kamay ng mga terorista.

"Ang buddy niya, iyang nakangiti sa tabi niya, ay nasugatan din."

Dagdag pa niya, “Salamat sa serbisyo, Tap. Natuwa naman ako na kahit paano, lumusob ka sa laban nang nakatawa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kalakip ng Facebook post ni Chiara ay ang larawan ng mga sundalong sumabak sa giyera, kabilang na si Tap na natatakpan sa larawan.

 

SHORT-LIVED ROMANCE? Ang Facebook post na ito ni Chiara ay binigyan ng ibang kulay ng ilang online sites.

Ayon sa ilang naisulat, may nabuo raw na relasyon sa pagitan ng ABS-CBN reporter at ng nasawing sundalo.

Marami man ang nakisimpatiya sa kuwento, hindi ito nagustuhan ni Chiara.

Wala raw kasing katotohanan ang viral story nila ni TSG Dinglasan.

Linggo, June 4, nilinaw ni Chiara ang “short-lived romance” diumano nila ng namatay na sundalo.

Pahayag niya, “WHAT IN THE WORLD IS THIS?

“Isa pong napakahalagang paglilinaw. Wala ni isang hibla ng katotohanan ang laman ng article na ito, na tila ba pinalalabas na may namagitan sa amin ng isang magiting na sundalong namatay.

“Lilinawin ko lang po, sa mga hindi nakaunawa sa punto ng post ko, gaya ng nagsulat ng imbentong article na ito:

“Ang post ay simpleng kwento lang ng isang mabilisang engkwentro sa isang mapagbirong sundalo.

"Sa mga hindi po nakaintindi, uulitin ko po: joke lang ang hirit ni Tsg Dinglasan, para mapatawa ang kanyang mga kasama. Joke lang din ang sagot ko, para mapatawa silang lahat.

“Ano ba itong mga 'love story' daw yung nangyari? Please lang, walang ganun.

"Sa gitna ng digmaan, malaking bagay na nagkakaroon ka ng oportunidad na tumawa. Yun lang ang nangyari doon, at ang punto ko ay isang karangalan na isa ako sa nakapagpatawa sa kanya bago siya pumanaw.

"Please be more discerning. To the writers of these travesties, those who pick things up online and twist them in malicious ways, please stop. Not here. Not at this time. Not in this war.

"Tsg Dinglasan's family is grieving. Let's help them, and not give them more problems."

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN