Mark Bautista survives gunman's attack in Seattle, Washington

IMAGE @iammarkbautista on Instagram

Hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan ng gunman na namaril sa sinasakyang Uber car ng singer na si Mark Bautista sa Seattle, Washington. Pero ipinagpasalamat ni Mark sa Panginoon na ligtas sila at hindi tinamaan ng bala. 


Malaki ang pasasalamat ng singer na si Mark Bautista sa Panginoon na ligtas sila ng kanyang kasamahang Uber driver matapos silang pagbabarilin ng isang "young black guy" sa Seattle, Washington, USA.

Nangyari raw ang insidente, Lunes ng gabi, June 5 (Washington time).

Inilarawan ni Mark ang pangyayari bilang “most terrifying moment I’ve experienced in my whole life.”

Sa kanyang Instagram post ngayong araw, June 6, ipinakita ni Mark ang larawan ng sasakyan ng unidentified gunman na nagpaulan ng bala sa kanilang sasakyan.

Ipinakita rin niya ang mga tama ng bala ng nasakyan niyang Uber car.

Sabi ni Mark sa caption: “GOD THANK YOU FOR PROTECTING US!!!

"(That’s the exact photo of the gunman and his car in front of us. He was out in the sunroof holding two guns while firing it towards us).

"This is the most terrifying moment I’ve ever experienced in my whole life…

"I’m happy that we're safe now but when I found out that our car was actually hit by a bullet-where I was seated, I was literally shaking and my hands were cold.

"The picture of the gunman firing two guns right in front of us is still so clear to me... it could happen to anyone and anywhere.

"We're indeed living in a crazy world-Be safe guys and take care of each other...

"The first photo was taken from the dashcam video of the uber car."

Sa pamamagitan ng direct messaging sa Instagram ay nakakuha pa ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng karagdagang impormasyon mula kay Mark.

Ayon sa singer-actor, nakatakas ang gunman ngunit nakuhanan daw ito ng video ng driver ng sinasakyan niya.

Dagdag pa niya, "Naalala ko, young black guy holding two guns... nakita ko pa lumalabas mga bullets sa baril while firing."

Naibalita na rin sa ilang news sites sa Amerika ang nangyaring shooting incident.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasalukuyang nasa USA si Mark para sa staging doon ng Here Lies Love musical.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN