Maris Racal hurt by negative comments about her viral photo

IMAGE Noel Orsal

"May mga tao lang talaga na witty," says Maris Racal shrugging off negative comments about her as a dancer.


Aminado si Maris Racal na apekatdo siya sa mga negatibong komento tungkol sa kanyang pagsasayaw.

Naging viral kamakailan ang screenshot ng pagsasayaw ni Maris kasama ang BFF5 co-member niyang si Loisa Andalio.

Dahil magkatabi silang dalawa at magkaiba ang dating nila sa parehong dance step, may ilang netizens na pinagkumpara sila.

Nilait din ng ilang bashers si Maris.


Sabi ni Maris tungkol sa viral photo, “Actually, noong nakita ko, normal lang sa akin, kasi ganun naman talaga yung sayaw dapat.

“But hindi mo lang talaga maaano yung mga tao, e. Hindi mo lang talaga mage-gets.

"Iba-iba kasi yung taste ng mga tao, gusto nila pa-sexy.

“Pero para sa akin, walang mali sa picture na yun, kasi maganda naman ang pagkaka-execute ng sayaw.

“Wrong angle, wrong timing, kaya napagtatawanan.” 

Nang mabasa raw ni Maris ang mga komento sa kanya, pag-amin niya, “Na-hurt ako, siyempre.”

Paliwanag pa niya, “Kasi, isa yung sa mga passion ko, yung dancing.

“E, ibinigay ko siya nang todo, tapos napagtawanan.

“Parang yung feeling na na-disheartened ako sa mga comments nila, na-conscious akong sumayaw, parang ganun.

“Parang naging trademark na ang OA ko raw sumayaw.”

Mabuti na lamang daw at suportado siya ng ilang dancers na kilala niya.

“Sabi naman ng mga dancers, ganun ang point of view nila, na open-minded, walang mali sa ginawa ko.

“Doon po ako nag-stick kaya I gained my confidence again,” sabi ni Maris.

Kung dati raw ay sobrang conscious siya sa pagpe-perform, ngayon ay hindi na niya masyadong iniintindi kung anuman ang maging komento tungkol sa kanya.

Ayon kay Maris, “Now, parang wala na lang sa akin.

“Wala, e, if you just laugh at it, parang nawawala na rin ang consciousness.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Maris at Loisa, kasama sina Sue Ramirez, Kristel Fulgar, sa press conference ng 4 of A Kind concert nila, na ginanap ngayong Martes, June 6.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN