Azenith Briones, other victims' kin to file class suit vs Resorts World

IMAGE Azenith Briones Reyes on Facebook

Palilipasin lamang daw ni Azenith Briones ang libing ng asawang si Eleuterio Reyes sa darating na Sabado, June 10, bago simulan ang hakbang para sa pagsasampa ng class suit laban sa Resorts World Manila. 


Nagkasundo ang aktres na si Azenith Briones at iba pang pamilya ng mga nabiktima sa Resorts World Manila (RWM) attack na magsampa ng class suit laban sa pamunuan ng hotel and casino.

Isa ang mister ni Azenith na si Eleuterio Reyes sa 38 katao na namatay dahil sa suffocation sa pagkasunog sa ikalawang palapag ng Resorts World Manila noong Biyernes ng madaling-araw, June 2.

Ito ay matapos sumalakay ang isang lalaki at sinunog ang ilang bahagi ng casino sa second floor ng Resorts World Manila.

Nakilala kalaunan ang gunman na si Jessie Javier Carlos, isang dating empleyado ng Department of Finance at lulong sa sugal.


Stories We Are Tracking

Azenith Briones mulls filing case against Resorts World
Azenith Briones mulls filing case against Resorts World
Azenith Briones's husband among dead in Resorts World attack
Azenith Briones's husband among dead in Resorts World attack
Singer, actress recall terrifying experience at RWM incident
Singer, actress recall terrifying experience at RWM incident

Sa panayam ni Mario Dumaual kay Azenith para sa TV Patrol ngayong gabi, June 6, sinabi ng dating aktres na palilipasin lang nila ang libing ng asawa sa Sabado, June 10, bago sila magsampa ng reklamo.

Isa raw sa punto ng kanilang ihahaing class suit ay ang kakulangan sa seguridad sa Resorts World Manila, na naging dahilan ng pagkasawi ng kanyang asawa, iba pang guests, at ilang empleyado.

Pahayag ni Azenith, “Sabi ko nga, e, ang laki ng lapses.

"Kung siguro maaga naano agad nila yun, hindi napabayaan, buhay pa siguro yung asawa ko, pati yung mga kasamahan [na namatay].

“Hindi ko naman basta pabayaan lamang na namatay ang asawa ko na ganito, na walang justice.

"Kailangang maimbestigahan lahat yun."

Ngunit inamin ni Azenith na tinanggap niya ang naunang tulong-pinansiyal na ibinigay ng Resorts World para sa pamilya ng mga biktima.

Kahapon, June 5, ay tumanggap sila ng tigpi-P50,000, at kaninang hapon naman ay nakakuha sila ng tig-iisang milyong piso.

Wala naman daw itong commitment at tulong lamang sa kanila kaya tuloy raw ang laban.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN