Elizabeth Oropesa willing to be the "third wife" of President Duterte

IMAGE Facebook

Veteran actress Elizabeth Oropesa on being very vocal about her support for President Rodrigo Duterte: "Ang tingin ko kasi, tayong mga Pilipino, regardless of who the president is going to be, dapat ipagdasal natin yung presidente para matulungan natin yung ating sariling bansa."


Isa ang veteran actress na si Elizabeth Oropesa sa very vocal sa pagsuporta at pagtatanggol kay President Rodrigo Duterte.

Ngunit nilinaw niyang kahit ganun siya ka-vocal sa pagsuporta sa Pangulo, hindi para makahingi ng posisyon sa gobyerno.

Kung sakaling aalukin siya, tatanggihan daw niya ito.

Saad ni Elizabeth, “Takot kasi ako sa ganyan, kasi I might not be qualified.

“I do not want to disappoint the President and the Filipino people.

“Mamaya ma-bash lang ako diyan dahil hindi ko naman pala kaya yun.

“Tatanggapin ko dahil in-offer sa akin dahil kakampi niya ako? Ayoko ng ganun.

“If ever, tatanggap ako, gusto ko, dahil qualified ako na alam ko ang gagawin ko.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Elizabeth sa presscon ng upcoming afternoon drama series na Impostora, na ginanap sa GMA Network Center noong Lunes, June 5.

THIRD WIFE? Natatawang biro pa ni Elizabeth, mas gusto niyang maging asawa ng ating Pangulo.

Hindi lang namin alam kung idinadaan na lang niya sa biro, pero paulit-ulit sinasabi ng veteran actress na puwede naman daw siyang maging “third wife” ni Duterte.

“Sabi ko nga, puwede naman ako another first lady. Why not, di ba?

“Naku, magalit si Kitty… pero payag na ako third wife!” natatawang sabi ng 62-year-old actress.

Si Kitty ang bunso at nag-iisang anak ni Duterte sa second wife niyang si Honeylet Avanceña.

Ang unang asawa ng dating mayor ng Davao City ay si Elizabeth Zimmerman, na ina naman ng mga anak ni Duterte na sina Paolo, Sara, at Baste.

Dagdag pa ni Elizabeth, yun lang ang puwede niyang maibigay na tulong, hindi para umupo sa posisyon sa gobyerno.

“Pagsisilbihan ko silang lahat, pati si Honeylet...

“Kung hindi siya available, e, nandiyan ako,” sabi niya.

Pero naging seryoso na ang aktres sa mga sumunod niyang pahayag.

“Pero seriously speaking. I can help the President.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I can be there by just being a special assistant to something, but not in showbiz.

“I would rather be somewhere near DENR, kasi warrior ako pagdating sa ating Inang Kalikasan, e.

“Pero ayoko naman maging secretary ng DENR, kasi hindi ko alam, e.”

PRAYING FOR THE PRESIDENT. Very vocal si Elizabeth sa pagsuporta kay Duterte, hindi dahil sa naniniwala at malaki ang tiwala niya sa ating Pangulo, kundi bilang Pilipino, dapat daw maging supportive tayo kahit sinong mapiling presidente ng ating bansa.

Pahayag ni Elizabeth, “Ang tingin ko kasi, tayong mga Pilipino, regardless of who the president is going to be, dapat ipagdasal natin yung presidente para matulungan natin yung ating sariling bansa.

“Kasi ganun naman ang effect nun, e.

“Kahit na sino pa ang umupo diyan, ipagdadasal ko pa din.”

Kaya araw-araw raw ay ipinagdarasal at ipinagtitirik raw niya ng kandila si Duterte.

Mayroon daw talagang nakalaan na isang kandila na sinisindihan at dinadasalan niya para sa ating Pangulo.

Ano ang dasal niya para kay Duterte?

Saad ni Elizabeth, “For him to be guided, yun ang unang-una.

“Bigyan ng tamang pag-iisip para makapagdesisyon nang tama.

“At pangalawa, to protect him from all harm alang-alang sa ating mga Pilipino, alang-alang sa ating bansa.” 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN