Sarah Wurtzbach slams half-brother: "Iniwan na nga kami, kami pa magpapakain sa inyo?"

IMAGE Noel Orsal

In a series of social media posts, Sarah Wurtzbach, Pia Wurtzbach's younger sister, slammed their half-brother Alexander who accused the beauty queen of being a liar. 


Binuweltahan ni Sarah Wurtzbach, nakababatang kapatid ni Pia Wurtzbach, ang half-brother nilang si Alexander Wurtzbach at ina nitong si Robie Asingua kasunod ng mga paratang ng mag-ina laban sa Miss Universe 2015.

Matatandaang inalmahan ng mag-inang Robie at Alexander ang isang bahagi ng life story ni Pia sa ABS-CBN drama anthology na Maalaala Mo Kaya (MMK) noong Sabado, June 3.

Si Robie ang live-in partner ng ama ni Pia na si Uwe Wurtzbach, isang German, bago ito pumanaw.

Sina Pia at Sarah naman ay mga anak ni Uwe sa dati nitong asawa na si Cheryl Alonzo.

Sa nasabing MMK episode, isinadula ang paghingi umano ng tulong-pinansiyal ni Robie mula kay Pia para kay Uwe na noon ay may karamdaman.

Kasunod nito, nag-post sa Facebook si Alexander at itinangging humingi sila ng pera kay Pia.

Tinawag din niyang sinungaling at walang pinag-aralan ang kapatid na beauty queen.

Hinamon pa nito si Pia na palitan na ang kanyang apelyido.

May mga komento rin si Robie laban kay Pia, na tinawag niyang "walang puso" at "shame to herself."

 


Stories We Are Tracking

Pia Wurtzbach's sister issues warning to half-brother
Pia Wurtzbach's sister issues warning to half-brother
Pia Wurtzbach's half-brother slams Miss Universe 2015
Pia Wurtzbach's half-brother slams Miss Universe 2015

SARAH ANSWERS BACK. Kung si Pia ay nananatiling tahimik, hindi naman ito pinalampas ni Sarah at ipinagtanggol ang kanyang ate.

Nag-comment si Sarah sa Facebook post ni Alexander, ayon sa report ng The Philippine Pageantry.

Buwelta ni Sarah: "Teka.. kung hindi habol pera? Baka bitter nanay mo na hindi kami nagbigay? Get your facts straight!"


Banat pa ng kapatid ni Pia: "Iniwan na nga kami, kami pa magpapakain sa inyo at magpapaburol? Diba kayo na? Family nyo na? May right kayong magalit? Tsk tsk tsk."


Mensahe pa ni Sarah kay Alexander: "Hoy yung nanay mo binlock ako sa mga comments para hindi ako makapagvoice out. Bakit kaya? May tinatago?


Sa kanyang huling komento, sinabi ni Sarah na hindi porke’t kaapelyido niya si Alexander ay pareho sila ng pagkatao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Just because we share the same surname, it doesnt mean we share the same values.

“Sometimes we have to accept that blood is not thicker.

“On this occasion, super nipis nga e, ayan o nagdudugo pa rin sa bitterness yung nanay.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN