PEP EXCLUSIVE. Mark Bautista fears for his safety after gunman's attack in Seattle; suspect still at large

IMAGE @iammarkbautista on Instagram

Nagpapasalamat si Mark Bautista na binigyan siya at mga kasamahan sa musical na Here Lies Love ng police protection kasunod ng insidenteng pamamaril sa kanya sa Seattle, Washington, noong Lunes, June 5. 


Binura na ni Mark Bautista ang kanyang post sa Instagram at Facebook tungkol sa kinasangkutan niyang shooting incident sa Seattle, Washington, noong Lunes ng gabi (US time).

Isang "young black man" ang deskripsiyon ni Mark sa namaril sa sinasakyan niyang Uber car.

Sa naunang nai-upload na video at pictures ng singer, makikita ritong may tatlong tama ng bala ang sasakyan nila.

Mabuti na lamang daw at hindi siya tinamaan pati ang kanyang kasamahan.

Kasalukuyang nasa Amerika si Mark para sa staging ng Here Lies Love musical.

Ngayong Miyerkules ng tanghali, June 7 (Manila time), eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mark sa pamamagitan ng direct messaging sa Instagram.

Dito ay inamin ng singer-actor na natatakot siya para sa kanyang sarili dahil hindi pa rin nahuhuli ang gunman.

Pahayag ni Mark, “Because I got scared.

"They interviewed me on national TV and I forgot that hindi pa nahuli ang suspect.

“And pinakita sa TV na ako nagpakita sa dashcam photo.”

Nag-aalala rin daw ang buong production ng Here Lies Love dahil ongoing pa ang kanilang show.

"And they [police] mentioned that I have a show pa, so nag-alala lahat sa production.”

Sa ngayon, may police protection na raw sila sa Seattle Repertory Theater, kung saan idinadaos ang kanilang musical show.

Sabi ni Mark, “Nagpadala na sila ng police sa stage door para bantayan kami and service to the hotel para safe lahat.”


Stories We Are Tracking

Mark Bautista survives gunman's attack in Seattle
Mark Bautista survives gunman's attack in Seattle


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN