Is Mikael Daez hinting at spur-of-the-moment marriage proposal to Megan Young?

IMAGE Mikael Daez Instagram

Mikael Daez is known to his girlfriend Megan Young as an spontaneous adventurer. Now he's saying he has no plan of proposing to her, it will just happen when she least expects it.


Going seven years na ang relasyon nina Mikael Daez at Megan Young.

Magpapakasal na ba sila?

Tugon ni Mikael, “Hindi ko alam. I think it will be a surprise, feeling ko.” 

Madalas na sinasabi ng Kapuso actor na wala pa silang wedding plans ni Megan, tila nabago na yata ang ihip ng hangin?

Paglilinaw ng Kapuso actor-TV host, “Wala pa rin, ganun pa rin, no plans pa rin.

“Malay mo, baka pumunta kaming Antarctica, tapos maramdaman ko na gusto ko na siyang pakasalan.

“Baka biglang… baka ganun, e, may ganung factor.”

Spur-of-the moment, kahit nasaan sila?

“Or nag-i-scuba-diving, biglang dun sa ilalim ng dagat, luluhod na lang ako, gaganun ako,” sabi pa niya.

Kakaiba pala talaga ang naiisip na marriage proposal ni Mikael sa girlfriend niyang Miss World 2013.

“Oo, I think, wherever,” pagsang-ayon ni Mikael.

Posible rin bang hindi sa Pilipinas ang kasal nila ni Megan?

“I mean, if ever I were to plan a wedding, I think possible yun, hindi naman ako set…

“Yung mga tao kasi pag iniisip wedding nila, regardless kung sino, parang may plano na sila.

“‘A, kailangan dito, gusto ko sana ganito, beach.’

“Ako, wala naman, and alam ko hindi rin yata siya masyadong choosy sa ganun.

“Wala rin siyang set na na-imagine.”

EXTENDED. Samantala, masaya si Mikael sa one-month extension ng drama series na pinagbibidahan nila ni Janine Gutierrez sa GMA Network, ang Legally Blind.

Hindi naman daw siya malulungkot pag nag-end na ang teleserye nila.

“Hindi, magkikita pa kami, kaming lahat.”

Naging magbarkada na rin daw kasi sila nina Janine, Lauren Young, Marc Abaya, at Rodjun Cruz dahil sa pagsasama-sama nila sa Legally Blind.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN