Ai-Ai delas Alas and Gerald Sibayan move their wedding date

IMAGE Courtesy of A-Ai delas Alas

Ai-Ai delas Alas on her upcoming wedding: "Pinayuhan kami ni Bishop Tobias na huwag na kaming magpakasal sa Huwes, diretso na sa simbahan dahil nakapasa si Gerald sa mga itinanong sa kanya. Si Bishop din ang nagsabi na magpakasal na kami ngayong taon, huwag nang patagalin pa, kaya susundin namin ang payo niya."


May pagbabago sa planong pagpapakasal ni Ai-Ai delas Alas at ng kanyang fiancé na si Gerald Sibayan.

Ito at matapos makausap ng dalawa si Most Rev. Antonio Tobias sa Office of the Bishop sa Novaliches, Quezon City, ngayong Miyerkules ng hapon, June 7.

Sa interview ng PEP kay Ai-Ai noong nakaraang buwan, ikinuwento niya ang plano nila ni Gerald na magpakasal sa 2018.

Pero nagbago ang kanilang balak matapos makausap si Bishop Tobias.

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Comedy Queen kanina, kinumpirma nitong mapapaaga ang pag-iisang dibdib nila ni Gerald.

Lahad niya, “Nakipag-meeting kami kay Bishop Tobias tungkol sa pagpapakasal namin ni Gerald.

“Gusto ko kasi na alam ng simbahan ang mga plano ko dahil Papal Awardee nga ako.

“Kung ako kasi ang tatanungin, gusto ko na magpakasal muna kami ni Gerald sa Huwes, pero sa simbahan ang gusto niya.

“Solo na kinausap ni Bishop Tobias si Gerald, then ako.

“Pagkatapos, sabay kami na kinausap, at nakapasa naman kami.

“Pinayuhan kami ni Bishop Tobias na huwag na kaming magpakasal sa Huwes, diretso na sa simbahan dahil nakapasa si Gerald sa mga itinanong sa kanya.

“Si Bishop din ang nagsabi na magpakasal na kami ngayong taon, huwag nang patagalin pa, kaya susundin namin ang payo niya.”

Pumipili na ngayon sina Ai-Ai at Gerald ng petsa para sa kanilang pag-iisang dibdib na mangyayari sa isang simbahan sa Quezon City.

Dahil Marian devotee si Ai-Ai, may mga suggestion sa kanyang magpakasal sila ni Gerald sa September 8, ang birth anniversary ni Blessed Virgin Mary; o sa December 8, ang Feast of Immaculate Conception.

May suggestion ding magpakasal sila sa November 11, ang birthday ng Comedy Queen at araw na ipinagkaloob sa kanya ng Catholic Church ang Papal Award niya noong 2016.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN