Sue Ramirez downplays sighting with Joao Constancia

IMAGE Noel Orsal (left)/Instagram photo of Joao Constancia (right)

If Sue Ramirez has an extra ticket to their upcoming concert 4 of A Kind, she would give it to Joao Constancia, who is currently being linked to her. "Ibibigay ko na lang din po sa kanya... bilang sukli," she said.


Nilinaw ni Sue Ramirez ang balitang sinundo siya ng Boyband PH member na si Joao Constancia sa isang taping ng reality-competition ng ABS-CBN na I Can Do That.

Pahayag niya, “Yung kay Joao, yung staff po kasi namin sa I Can Do That, staff din po nila sa [Pinoy Boyband Superstar] before.

“So, yun po, nanood po siya ng isang episode namin.

“Siguro nakita na kami ng P.A. ko na hirap magbitbit ng stuff, tinulungan po kami ni Joao.”

Tila ayaw namang bigyan ni Sue ng ibang kulay ang mabuting pakikitungo ni Joao sa kanya.

Ngunit nang tanungin kung sino ang bibigyan niya ng ticket para sa upcoming 4 of A Kind concert, sagot ng 20-year-old Star Magic talent, “Sige, ibibigay ko na lang din kay Joao.

“Kasi noong nag-concert sila, yung Boyband PH, binigyan niya rin po ako ng ticket.

“Kaya ibibigay ko na lang din po sa kanya... bilang sukli.”

Ang 4 of A Kind ay ang upcoming concert ni Sue, kasama sina Maris Racal, Loisa Andalio, at Kristel Fulgar.


JOAO LIKES SUE. Sa nakaraang guest appearance ng Boyband PH members sa Tonight With Boy Abunda, inamin ni Joao na gusto niya si Sue.

Pahayag ng 20-year-old performer, “We're at the stage of friends or acquaintance. Kasi, kasama ko naman po palagi siya on ASAP Chillout.

“Every time I see her, nagagandahan talaga ako.”

Dagdag pa ni Joao, “I've become kind of torpe with her from time to time. I don't know what to say to her.”

Kung sakali, gusto raw sana niyang makasamang lumabas si Sue.

“Hopefully, in the future. I would be lovely.”

Ayon naman kay Sue, hindi niya priority ang magkaroon ng karelasyon sa ngayon.

“Siguro it's not my priority right now, to be in a relationship.

“Parang focus muna ako sa career ko and, yun nga, mag-focus kay Zanjoe po na pangarap ko,” sabi ni Sue, na umaming crush si Zanjoe Marudo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Biro pa nga niya sa huli, “Sa akin lang si Zanjoe.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN