Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Jaclyn Jose lambasts Jake Ejercito, Laarni Enriquez on Instagram

by Arniel C. Serato
Jun 8, 2017
Sa pamamagitan ng Instagram, nagbuhos ng galit ang aktres na si Jaclyn Jose laban kay Jake Ejercito at sa ina nitong si Laarni Enriquez.

Nagpakawala ng galit ang award-winning actress na si Jaclyn Jose laban sa mag-inang Laarni Enriquez at Jake Ejercito.

Ito ay kaugnay ng inihaing petition for joint custody ni Jake para sa five-year-old daughter nila ng Kapamilya actress na si Andi Eigenmann, anak ni Jaclyn.

Sa dalawang magkasunod na posts sa Instagram kagabi, June 7, inilahad ni Jaclyn ang kanyang rason kung bakit siya galit na galit, lalo na sa ama ng kanyang apo.

Kalakip ang larawan ng dalawa niyang anak at ng kanyang apo, sabi ng veteran actress sa una niyang post: “Jake, ubos na pasensiya ko sa inyo.

"This is the 1st time i am gonna talk about you and your mom? In public!

“Pinapalabas nio in private that my daughter is not capable in raising Ellie? For that law suit? Kelan ka ba andito?

“Kelan namin pinag damot si ellie? Pakibalik apo ko kasi bibilhan ko pa ng uniform at school supply!

Continue reading below ↓

"Ano naibigay nio? Photos? Posting? D naman alam ng tao?

“Publicly kung ano ka bilang ama! Kahit 1 mineral water d kayo nag padala! 3 years bago nio nalaman? Wag!

“Pls. Nakikiusap ako sa inyo. June 22 hearing abt what? Na gusto mo pag andito ka sa iyo si Ellie? Ni hindi mo nga kayang ipaglaban sarili mo!

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"Try me jake! My grand child have a good heart you know that i will not allow any one to take that away from her."


Continue reading below ↓

Sa comments section, patuloy pa rin ang pagbatikos ni Jaclyn kay Jake at sa ina nitong si Laarni.

Napipikon na raw siya sa mag-ina.

Tanong din niya, bakit sa edad ni Jake na 27 ay student visa pa rin ang nakalagay sa mga dokumento nito.


BEASTMODE JACLYN. Kasunod nito, humingi ng paumanhin si Jaclyn dahil sa dami ng typo errors sa kanyang posts.

Continue reading below ↓

Nanginginig daw kasi siya sa galit habang isinusulat ang kanyang nararamdaman.

Humingi rin siya ng paumanhin sa anak na si Andi, pero sawang-sawa na raw siya sa mga basher nito.


Sabi pa niya sa mga basher ng anak, maayos niyang pinalaki si Andi.

Alam daw ito ni Laarni dahil matagal na silang magkakilala at best friend ito ng kanyang ate na si Veronica Jones, isa ring dating aktres.

Continue reading below ↓


Nakiusap din ang D'Originals actress kina Jake at Laarni na hayaang mamuhay nang mapayapa ang kanyang apo.


Continue reading below ↓

Inamin din ni Jaclyn na nakainom siya habang nagpu-post dahil dun daw siya nakakakuha ng lakas ng loob.

Sabi pa niya kay Laarni, sana ay nagmana ang mga anak nito sa ama nilang si Manila Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada, na kanya raw sinasaluduhan dahil sa kabaitan nito.



Continue reading below ↓

BASH ME ALL YOU WANT. Sa kasunod niyang post, sabi ni Jaclyn: “I bash nio ako i will take it all. Eto lang ang puede ko iragalo sa anak ko sa bday nia.

"Kayo mga bashers ni Andi? Kilala nio ba ang anak ko. most probobly not.

"I am speaking not for Andi but a grand mother to make Jake and her family not to take this for granted.na papatulan ko na kayo…"

Sa June 25 ang ika-27 kaarawan ni Andi.


Continue reading below ↓

Sa comments section, patuloy pa rin si Jaclyn sa paglalabas ng kanyang saloobin.



Continue reading below ↓



Continue reading below ↓

STORIES WE ARE TRACKING

JAKE'S REPLY. Kaugnay ng Instagram posts na ito ni Jaclyn, nagpadala ang PEP ng mensahe kay Jake, sa pamamagitan ng text messaging, upang kunin ang kanyang panig.

Ngunit tumanggi siyang magbigay ng pahayag.

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa pamamagitan ng Instagram, nagbuhos ng galit ang aktres na si Jaclyn Jose laban kay Jake Ejercito at sa ina nitong si Laarni Enriquez.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results