Derrick Monasterio wants Bea Binene to be his permanent loveteam partner

IMAGE Noel Orsal

Derrick Monasterio on working relationship with Bea Binene: "Nandun na kami sa stage na gagawin namin yung mga adlibs without even thinking about it, kasi nga, sobrang comfortable na kami sa isa't isa. Parang sa maraming bagay, wala na talaga kaming dapat itago pa sa isa't isa. Ganun na kalalim ang pinagsamahan namin bilang magkapareha."


Kung si Derrick Monasterio raw ang masusunod, mas gusto niyang si Bea Binene na talaga ang maging ka-love team niya.

Ilang proyekto na ang pinagsamahan nila at tila sila naman talaga ang bini-buildup ng kanilang home studio, GMA Network, as love team.

Ang latest ay ang primetime series na Mulawin vs Ravena, na pinagbibidahan din nina Dennis Trillo, Heart Evangelista, Lovi Poe, Carla Abellana, at Regine Velasquez.

Pahayag ng Kapuso actor sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Personally, kung ako talaga ang tatanungin ng GMA, gusto ko si Bea na talaga.

“Kasi mahirap talaga ang mag-adjust kung panibagong love team, panibagong assignment, at panibago na kung anu-anong promotions.

“Ako, I don't see myself with a different partner [this time].”

NO ADJUSTMENT NEEDED. Kaya nga raw masaya si Derrick na sa bagong fantaserye ng Kapuso network ay hindi pa rin sila pinaghiwalay.

“Ako, I feel very happy, kasi hindi na kailangang mag-adjust sa bagong love team.

“Hindi na kailangang magkahiyaan at parang tapos na kami sa stage na yun.

“Nandun na kami sa stage na gagawin namin yung mga adlibs without even thinking about it, kasi nga, sobrang comfortable na kami sa isa't isa.

“Parang sa maraming bagay, wala na talaga kaming dapat itago pa sa isa't isa.

“Ganun na kalalim ang pinagsamahan namin bilang magkapareha.

“Basta kung ano kami sa off-cam, ganun pa rin kami on-cam,” saad ng 21-year-old actor.

Hindi pa rin ba siya nadi-develop kay Bea sa halos araw-araw nilang pagsasama?

Nangingiting tugon ni Derrick, “Sa ngayon kasi, work talaga, e.

“Medyo showbiz, ha? Pero sa ngayon po, medyo focus muna talaga sa trabaho.

“Mahirap po yung may LQ [lovers’ quarrel] habang nagtatrabaho kayo, so...

“Halimbawa, kami na nga, tapos meron ngang ganun, mahirap talaga.

“So, mas maganda na professional na lang kami sa isa't isa.”

ALMIRO. Samantala, ang ano pakiramdam niyang malapit nang mapanood ang karakter niya bilang binatang Almiro sa Mulawin vs Ravena?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon niya, “Excited na rin talaga ako.

“Masayang gawin kasi, unang-una, hindi kami tao dito, e.

“Nandun yung assignment na kailangan mong aralin kung paano gumalaw ang mga ibon.

“Masaya, bagong experience.

“Sa buong lifetime ko, minsan lang akong magiging ibon, di ba?”

Marami nga raw siyang stunts dito na kailangan pa rin niyang mag-train.

Sabi ni Derrick, “Buti na lang nag-Tsuperhero ako kaya parang hindi na rin ako nanibago.

“Pero iba ito kasi may mga harness, ganun.

“So, workshop-workshop, training-training pa more.”

Hindi na rin daw siya naninibago na mula sa teenybopper roles ay unti-unti na rin siyang nabibigyan ng seryosong characters.

“Oo nga, magkaiba silang dalawa, pero parang di na rin ako naiilang.

“Magkaiba nga ang mga atake nila, pero okey lang ako.

“Pero kung ako ang tatanungin, ha, mas comfort zone ko ang drama. Kasi mas chill, e.

“Heto [action-fantasy], maraming ano, e, marami ka talagang dapat gawin at pag-aralan.

“Pero pareho ako enjoy. Basta may work!” natatawang saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN