Rodjun Cruz approves of Janine Gutierrez for his brother Rayver

IMAGE Noel Orsal

Rodjun Cruz approves of Janine Gutierrez for his brother Rayver: "Oo naman! Kasi pareho silang… bukod sa maganda tsaka guwapo, pareho silang mabait ang puso. So, bagay talaga yung mga ganung tao."


Boto raw si Rodjun Cruz kay Janine Gutierrez para sa kanyang nakababatang kapatid na si Rayver Cruz.

Ngunit nilinaw ng Kapuso hunk na magkaibigan lang ang kanyang kapatid at ang co-star niya sa afternoon drama series na Legally Blind.

Sabi ni Rodjun sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Hindi po, friends po, friends.

“Basta sobrang saya nila, happy naman, lumalabas sila.”

Pero inamin din ni Rodjun na matutuwa siya kung sakaling magkaroon nga ng relasyon ang dalawa.

“Oo naman! Kasi pareho silang… bukod sa maganda tsaka guwapo, pareho silang mabait ang puso.

“So, bagay talaga yung mga ganung tao,” sabi niya.

Matagal na raw walang karelasyon si Rayver at tiyempo pang kasama ni Rodjun sa show si Janine.

“Ang galing nga, e! Parang ano talaga… sana, sana,” asam ng aktor.

Magiging masaya raw si Rodjun kung magkakaroon muli ng girlfriend si Rayver.

“Oo, siyempre gusto kong makita yung smile ng kapatid ko ulit, yung sigla sa mga mata niya.

“Ngayon, nakikita ko na lagi siyang happy, e, so nakakatuwa naman.”

THE MEETING. Si Rodjun ba ang dahilan kaya nagkakilala sina Rayver at Janine?

“Hindi po,” tanggi niya.

“Magkakilala na po sila before yung sa movie, may movie sila na ginawa nun, kasama rin si Ate Lot.”

Ang tinutukoy ni Rodjun ay ang 2015 Metro Manila Film Festival entry na Buy Now, Die Later, kung saan kasama rin sa cast ang ina ni Janine na si Lotlot de Leon.

Pero hindi raw nagkaroon ng eksena na magkasama sina Janine at Rayver sa naturang pelikula.

“Wala silang eksena, pero nagkasama po sila dun, tsaka sa float yata,” banggit ni Rodjun.

Ayon kay Rodjun, sa resto-bar na pag-aari ni Lotlot, ang The South Grill, mas lalong nagkakilala at naging close sina Rayver at Janine.

“Si Rayver, palagi nang pumupunta. Kahit before pa, nakakapunta na kami dun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos paborito ni Rayver dun yung roasted pork belly.

“Ang lapit lang ng bahay namin dun.”

Taga-Parañaque sina Rodjun at Rayver kung saan located ang resto-bar ng ina ni Janine.

Naikukuwento ba sa kanya ni Rayver kapag nagkikita sina Janine at Rayver?

Ayon kay Rodjun, “Bihira lang din, pero pag may time… si Janine kasi sobrang busy, si Rayver din.

“Ang galing nga nila, e, at least pag may libreng time, they make time.

“So, nakakatuwa naman.”

Ano ang ibig sabihin nun?

Paliwanag ni Rodjun, “Siguro kapag nagme-make ka ng time sa isang tao, e, di special siguro sa iyo yung tao na yun.

“Kasi kung hindi naman, bakit ka naman magbibigay ng time?

“Itulog mo na lang yun, di ba?

“Itulog mo na lang kasi siyempre pagod ka, e.”

WILL RAYVER TRANSFER TO GMA-7? Dumalaw na ba si Rayver sa set ng Legally Blind?

“A, hindi pa, wala pa.

“Pero feeling ko kasi, si Rayver, nirerespeto rin niya na alam niya kasi yung mga eksena namin sa Legally Blind, medyo talagang madugo tsaka mabibigat.

“Pero sasabihan ko siya pag medyo may magaan kaming taping!” natatawang sabi ni Rodjun.

Lilipat na ba si Rayver sa GMA-7?

“Siyempre decision po ni Rayver yun tsaka meron pa siyang contract sa ABS, so…” tugon niya.

Samantala, masaya rin si Rodjun dahil mas dumami ang mga eksena niya sa Legally Blind at madalas niyang kaeksena si Janine, na female lead ng show.

Aniya, “Sobrang saya po na siyempre laging kasama po sa mga importanteng scenes, and nakatuwa po na tuluy-tuloy na mataas po yung ratings namin.

“So, sobrang sulit po lahat ng ginagawa namin and yung hard work po namin.

“So, blessing po talaga. Thank you, Lord!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN