Neri Naig shuts down bashers who called her "papansin," "walang ganda"

IMAGE Instagram (@mrsnerimiranda)

Neri Naig posted on Instagram a short video that was supposed to show her humor, but a couple of netizens just had to pop her bubble. Read to find out Neri's witty response to them. 


Sinagot ni Neri Naig ang ilang netizens matapos siyang i-bash nga mga ito dahil sa Instagram post niya.

Noong Linggo, June 4, nag-post ang dating aktres ng short video ng kanyang pagkanta ng “Wind Beneath My Wings” habang naglilinis.

Kuwento pa ni Neri sa caption, hindi pumasok ang kanyang kasambahay kung kaya’t siya muna ang maglilinis ng bahay.


Sa comment section, pinuna ng netizen na si @shielagonzz si Neri at tinawag itong "papansin."

Hindi naman ito pinalampas ni Neri at inakusahan ang basher na gumawa lang ng ibang account para i-bash siya.


Burado na ang nasabing palitan ng sagot ni Neri at ng netizen.

Samantala, isa pang netizen (@ms.nellorenz) ang pumuna kay Neri ngayong Huwebes ng umaga, June 8.

Batikos ng netizen sa Star Circle Quest alumna, baka palitan na siya ng kanyang asawa dahil hindi ito nakaayos at nawala raw ang dati nitong ganda.

Ang mister ni Neri ay ang Parokya Ni Edgar vocalist na si Chito Miranda.

Kinontra ni Neri and hindi magandang komento sa kanya ng basher.

Sabi niya, dati na siyang walang ganda, pero minahal siya ng kanyang asawa dahil totoo siya at marunong mag-alaga.

Depensa pa ni Neri sa pagpansin ng netizen sa kanyang simpleng ayos, walang naglilinis ng bahay na nakaayos.




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN