Jake Ejercito's camp pleads with Jaclyn Jose to stop social media rant

IMAGE Allan Sancon / Noel Orsal

Ikinabahala ng kampo nina Jake Ejercito at Laarni Enriquez ang pag-anunsiyo ni Jaclyn Jose ng petsa ng unang hearing ng joint custody case na inihain ni Jake para sa anak nila ni Andi Eigenmann. Baka raw dumugin ng media ang hearing na hindi makabubuti para sa bata. 


Hindi nagustuhan ng kampo ng mag-inang Laarni Enriquez at Jake Ejercito ang hayagang paglalabas ng galit ni Jaclyn Jose laban sa kanila sa pamamagitan ng social media.

May ilang detalye kasing inilabas ang veteran actress tungkol sa joint custody petition na inihain ni Jake para sa five-year-old daughter nila ni Andi Eigenmann.

Si Andi ay anak ni Jaclyn.

Ayon sa abugado nina Jake at Laarni na si Atty. Ferdinand Topacio, hindi ito makakabuti sa kapakanan ng anak nina Jake at Andi.

Sa eksklusibong pahayag na ipinadala ni Atty. Topacio sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong Huwebes, June 8, sinabi nitong sana ay ito na ang huling pagkakataong maglalabas ng pahayag ang award-winning actress ng tungkol sa kaso.

“Muli po, ang mag-anak nina Gng. Laarni Enriquez, na kabilang si G. Jake Ejercito, ay magalang na nakikiusap kay Gng. Jaclyn Jose na nawa’y huwag na pong magbigay ng kahit na anong pahayag tungkol sa kaso ng kanyang anak na si Bb. Andi Eigenmann at ni G. Ejercito.

“Ang mga matatalas na salitang binitiwan kamakailan ni Gng. Jose na nababalot sa poot, ay hindi nakakatulong upang magkaroon ng maayos na pagtatapos ang usapin na ngayon ay nakabinbin na sa harap ng hukuman.

"Kung mayroong nais sabihin si Gng. Jose, sana ay ilaan na lamang niya iyon para sa hukom kapag nagsimula na ang paglilitis.

"Ang mga uri ng pangugusap na nagmumula kay Gng. Jose ay nagpapalalim lamang ng hidwaan sa pagitan ng dalawang panig."

Sa Instagram rant ni Jaclyn kagabi, June 7, sinabi nitong ubos na ang pasensiya niya para kay Jake.

Kaya hindi na raw niya napigilan ang sarili na ilabas sa publiko ang sama ng loob niya.

Mahal na mahal din daw niya ang apo sa anak na si Andi, at pinoprotektahan lamang niya ito mula sa pamilya ni Jake.

Inamin din ni Jaclyn na nakainom siya habang isinusulat ang sunud-sunod niyang komento sa Instagram.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit ayon sa abugado nina Laarni at Jake, “Kung talagang minamahal ni Gng. Jose ang kanyang apo na si Ellie, ay tatahimik na lamang siya, sapagkat sa anumang kaguluhang maidudulot ng kanyang pagiging palaaway, ang higit na mapipinsala ay ang kanyang apo na sa ngayon ay nasa murang gulang pa lamang.

"Hinding-hindi makabubuti sa batang yaon na makitang may matinding salungatan sa  dalawang panig ng sambahayan ng kanyang ama at ina."


Stories We Are Tracking

Jaclyn Jose lambasts Jake Ejercito, Laarni Enriquez on IG
Jaclyn Jose lambasts Jake Ejercito, Laarni Enriquez on IG
Andi launches Twitter tirade against Jake and his family
Andi launches Twitter tirade against Jake and his family
Jaclyn Jose surprised by Jake's joint custody petition
Jaclyn Jose surprised by Jake's joint custody petition
Jake Ejercito seeks joint custody of daughter with Andi
Jake Ejercito seeks joint custody of daughter with Andi

 

JOINT CUSTODY HEARING. Sa Instagram post ni Jaclyn, isiniwalat din nitong sa June 22 ang unang hearing para sa joint custody petition na inihain ni Jake.

Ikinabahala ito ng kampo nina Laarni at Jake.

Pinakatagu-tago raw nila ang petsa ng hearing dahil ayaw nilang magkaroon ng "media circus," ngunit ibinunyag ito mismo ng ina ni Andi.

Saad ni Atty. Topacio, “Kami rin ay lubos na nababahala sa pagsiwalat ni Gng. Jose ng petsa ng unang paglilitis ng kaso tungkol kay Ellie, sapagkat sinikap naming mabuti na ito ay ikubli sa media upang pangalagaan ang pananahimik ng lahat ng kinauukulan, lalong-lalo na si Ellie.

"Ngayong ito ay hayag na, hindi na natin mapipigilan at magkaroon ng isang 'media circus' sa darating na pagdinig sa kaso, bagay na ipinangangamba naming ay magiging masama para kay Ellie.”

Sa huli, umapela ang abugado nina Jake at Laarni kay Jaclyn.

Aniya, “Sana po ay maunawaan ni Gng. Jose na ang hangad lamang ni G. Ejercito ay kung ano ang pinaka-mainam para sa kanyang supling.

"Hindi po ito pagtuligsa kay Bb. Eigenmann at lalong hindi ito tungkol kay Gng. Jose.

"Kaya naman ito ay isang bagay na hindi niya dapat pinanghihimasukan, lalo na kung makapipinsala lamang siya sa kaso at sa bata.”

JAKE’S REACTION. Samantala, ayaw ni Jake na magsalita pa tungkol sa mga patutsada ni Jaclyn laban sa kanya at sa ina.

Sa pamamagitan ng text messaging, sinabi ni Jake na nasa korte na ang usapin kaya doon na lamang niya sasagutin ang mga paratang laban sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagpadala na rin ang PEP ng mensahe kay Andi tungkol sa Instagram posts ng ina, ngunit wala pa kaming nakukuhang sagot.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN