PEP EXCLUSIVE. Andi Eigenmann on mom Jaclyn Jose's Instagram rant: "It was uncalled for and unnecessary."

IMAGE Noel Orsal

Hindi aprubado kay Andi Eigenmann ang naging hakbang ng ina na si Jaclyn Jose sa pagra-rant nito sa social media laban kay Jake Ejercito at ina nitong si Laarni Enriquez. Gayunpaman, sinabi rin ng Kapamilya actress na hindi niya kontrolado ang isip at nararamdaman ng kanyang ina.


“I wish she hadn’t done that.”

Ito ang reaksiyon ni Andi Eigenmann sa naging aksiyon ng kanyang ina na si Jaclyn Jose, kung saan naghayag ito ng sama ng loob laban sa mag-inang Laarni Enriquez at Jake Ejercito.

Sa eksklusibong palitan ng mensahe ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng aktres ngayong Huwebes ng gabi, June 8, sinabi ni Andi na “uncalled for and unnecessary” ang pagpu-post ng ina ng galit sa Instagram.

Ito ay kaugnay ng isinampang petition for joint custody ni Jake para sa five-year-old daughter nila ni Andi.

Saad ni Andi, “I just think it was uncalled for and unnecessary.

“We should all know by now that everything will better be settled if not done in public.

“All I want is to live my life peacefully. I believe we all want the same.”


Stories We Are Tracking

Jake Ejercito camp reacts to Jaclyn Jose's rant on Instagram
Jake Ejercito camp reacts to Jaclyn Jose's rant on Instagram
Jaclyn Jose lambasts Jake Ejercito, Laarni Enriquez on IG
Jaclyn Jose lambasts Jake Ejercito, Laarni Enriquez on IG

NOT GOING AGAINST HER MOM. Paglilinaw ni Andi, hindi niya kinokontra ang ina sa kanyang pahayag ngayon.

Hindi lang daw ito ang tamang panahon para magpatutsadahan sa social media ang magkabilang kampo.

Iba raw ito noong panahong naglabas din siya ng sama ng loob laban kay Jake at sa pamilya nito.

“This isn’t in any way to go against her, it’s just that I only have been pointing out that I only ever feel the need to defend myself to the public during those times that (I felt) Jake did that to me.

“But as long as he doesn’t, I too, would prefer to stay quiet.

“And I believe although, indirect, we have both come to that understanding/agreement.”

Sa huli, sinabi ni Andi na hindi niya kontrolado ang iniisip o nararamdaman ng iba o maging ng kanyang ina.

“I can’t control how others feel or think though.

“I am only accountable for myself.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN