Mark Anthony Fernandez tears up at hearing for illegal drug case

IMAGE Screen grab from GMA News TV

Mark Anthony Fernandez attended the hearing for his transportation of illegal drugs case at the Angeles City Regional Trial Court yesterday, June 8.


Hindi napigilang mapaluha ng aktor na si Mark Anthony Fernandez sa pagdinig ng kaso niyang transportation of illegal drugs, sa Angeles City Regional Trial Court, kahapon, June 8.

Ayon sa ulat ng 24 Oras kagabi, iniharap ng prosekyusyon ang naunang interview kay Mark Anthony kung saan sinabi nitong personal niyang gagamitin ang nakuhang marijuana sa kanyang kotse. 

Isinunod namang isinalang ang follow-up interview kay Mark Anthony, kung saan sinabi nitong hindi sa kanya ang marijuana at bibilhin lamang niya ito.

Ibig sabihin ay salungat ang sinabi ng aktor sa magkahiwalay na interviews.

Nakapagbigay pa ng maiksing statement ang aktor sa panayam ng 24 Oras.

Depensa niya, “Though yung sa ano, hindi na nagkaintindihan. Ang sinasabi ko dun, binibili ko pa lang [ang marijuana].”

Nakatakdang ituloy ang pagdinig ni Mark Anthony sa June 21.

October 3, 2016 nang mahulihan ang aktor ng isang kilong marijuana sa loob ng kanyang kotse sa isang checkpoint sa Angeles City.

Naka-detain si Mark Anthony sa Pampangan Provincial Jail.


Stories We Are Tracking

Mark Anthony Fernandez arrested for illegal drugs
Mark Anthony Fernandez arrested for illegal drugs
Mark Anthony Fernandez denies possession of illegal drugs
Mark Anthony Fernandez denies possession of illegal drugs


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN