Angel Locsin visits evacuees of Marawi crisis

by Bernie V. Franco
Jun 9, 2017
Angel Locsin recently flew to Iligan City to become a volunteer in helping the evacuees affected by the Marawi crisis. 

Kumakalat ngayon sa social media ang mga larawang kuha sa pagbisita ni Angel Locsin sa isang evacuation center sa Iligan City.

Bumisita sa Iligan City ngayong linggo ang Kapamilya actress upang kamustahin ang lagay ng evacuees na naapektuhan sa kaguluhang nangyayari ngayon sa Marawi City.

Nagkaroon ng sagupaan sa pagitan ng mga militar at terrorist group na Maute sa Marawi City, dahilan upang isailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte ang buong Mindanao sa martial law.

Ayon sa Facebook post ni Kathy Yamzon, Bayan NCR secretary general, pinuntahan ni Angel ang evacuation center sa Ma'had Alnor Al-Islaime, Block 8, Purok 5A, Ceanuri Subdivision in Tomas Cabili, sa Iligan City, nitong Huwebes, June 8.

Sa Twitter post naman ng netizen na si @puretuts, ibinahagi nito ang isang maiksing video ng pagbisita at pakikipag-usap ni Angel sa mga tauhan ng Regional Command and Coordination Center sa Iligan.

Pinasalamatan din ng netizen si Angel sa pagiging volunteer bunsod ng krisis na nangyayari sa Marawi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, ibinahagi rin ng film producer na si Neil Arce ang ID ni Angel bilang volunteer sa Task Group Emergency Preparedness Response sa Mindanao.

Caption pa ni Neil sa post niya: “You don’t need to wear a costume to be a super hero.”

Si Neil ang napapabalitang boyfriend ngayon ni Angel.

A post shared by Neil Arce (@neil_arce) on

Ginampanan ni Angel ang papel ng local female superhero na si Darna sa teleserye noong 2005.

Sa mga komento at status naman ay bumuhos ang pagsuporta at pagpapasalamat kay Angel, na nakilala rin sa pagiging masugid na volunteer at pagtulong sa panahon ng mga kalamidad.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angel Locsin recently flew to Iligan City to become a volunteer in helping the evacuees affected by the Marawi crisis. 
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results