Ariella Arida denies romantic involvement with Willie Revillame; excited about Miss Universe 2017

IMAGE Jojo Gabinete

Ariella Arida on gifts from Wowowin host Willie Revillame: "Kasi si Kuya, kapag natutuwa siya, halimbawa, okey ang mga ginagawa namin, performance, basta napi-feel niya, parang pinaka-bonus niya sa amin. Pero hindi lang ako, lahat kami, and mostly mas masaya buong staff, isinasama niya… mga free shopping."


Mariing itinanggi ni Ariella Arida ang balitang nagkaroon sila noon ng romantic relationship ng Wowowin host na si Willie Revillame.

“Grabe naman! Wow, hindi naman!” bulalas ng Miss Universe 2013 3rd runner-up.

Dagdag pa niya, “Kuya nga ang tawag sa kanya.”

Sinabi ni Ariella na ang staff ng Wowowin at hindi lamang siya ang nakatanggap ng mamahaling bag mula kay Willie.

“Sana nga, di ba, may pa-Hermes?

“Ano naman, hindi lang sa akin, sa lahat sa amin.

"Kasi si Kuya, kapag natutuwa siya, halimbawa, okey ang mga ginagawa namin, performance, basta napi-feel niya, parang pinaka-bonus niya sa amin.

“Pero hindi lang ako, lahat kami, and mostly mas masaya buong staff, isinasama niya… mga free shopping.”

Patuloy niya, “Si Hermes, naghihintay pa, pero hindi ko alam kung kanino.

“Ang alam ko kasi, si Kuya, mahilig siya mamili ng ganoon, inireregalo niya sa mga friends niya.

“Nabigyan niya ako [ng Louis Vuitton bag], pare-pareho kami ng level.

“Okey si Kuya sa akin, sa staff, saka alam din niya na I' m happy.”

Inamin ni Ariella na may boyfriend siyang walang kinalaman sa showbiz, at alam daw ito ni Willie.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ariella nang ipakilala siya bilang celebrity endorser ng Cosmo Skin GSE (Grape Seed Extract), isang klase ng dark spots corrector, ngayong hapon, June 9.

MISS UNIVERSE 2017. Samantala, excited si Ariella sa posibilidad na muling idaos sa Pilipinas, sa November 2017, ang 66th edition ng Miss Universe.

Pahayag ng beauty queen, “Of course, I'm excited.

“Ang feeling ko kasi, that's why they're doing it again here, parang natuwa talaga ang Miss Universe Organization sa welcome ng Filipinos sa pageant.

“And I think they really had an impact worldwide kaya feeling ko, they really want it here again.”

Excited din daw si Ariella kay Miss Universe Philippines 2017 Rachel Peters.

“Like what I' m telling before kay Maxine Medina, na sabi ko huwag siyang kabahan. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, it's her advantage, kasi siyempre yung cheer pa lang ng mga Pilipino will motivate her, the same way for Rachel, kaya excited din  ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN