Are Zanjoe Marudo and Bela Padilla in a relationship?

IMAGE Noel Orsal

Zanjoe Marudo on status of relationship with Bela Padilla: "Meron po, friendship. Ngayon kasi, ang estado namin ano pa... taguan ng feelings."


May relasyon ba sina Zanjoe Marudo at Bela Padilla?

Sagot dito ni Zanjoe, “Meron po, friendship.

“Ngayon kasi, ang estado namin ano pa... taguan ng feelings.”

Dahil sa sinabi ng aktor, lalong naging curious ang entertainment press na dumalo sa finale presscon ng kanilang primetime series sa ABS-CBN, ang My Dear Heart, nitong Huwebes ng gabi, June 8.

Kaya paglilinaw ni Zanjoe, “Masyado kaming [focused], lalo na ngayon patapos na kami.

"Yung commitment namin sa show, kailangan talaga buo, 100 percent maibigay namin.

"Dahil ang show na ito, nagbibigay talaga ng moral lessons sa mga tao.

“Kumbaga, mahirap haluan pa ng mga personal na kagustuhan."

AFTER TAPING. Biniro naman ng press si Zanjoe kung pagkatapos ba ng kanilang proyekto ay balak pa nilang magkita ni Bela.

Diretsong tanong ni Zanjoe kay Bela: “Makikipagkita ka pa ba sa akin after taping?”

Tawa ang isinagot dito ni Bela.

Pagkatapos ng presscon proper, nilapitan ng ilang reporters ang dalawa at hiningi ang reaksiyon ni Bela sa tanong ni Zanjoe.

Tila pa-safe na tugon ni Bela, “Yayayain mo ba ako makipagkita after the show?”

Tinukso rin si Bela tungkol sa pag-amin ni Zanjoe na nagtataguan sila ng feelings.

“Ngayon alam ko na may itinatago pala siyang feelings, sus!” pabirong reaksiyon ng aktres.

Makahulugang sabi naman ni Zanjoe, “Ewan ko, joke siguro, pero half-meant na rin yun.”

Pinansin din ng press kung bakit tila hindi mapakali si Zanjoe habang katabi si Bela.

“Naiilang ako, e,” tugon nito.

Sa diretsong tanong kung magkarelasyon na sila, sagot ni Bela: “Hindi po.”

OUT-OF-TOWN TRIPS TOGETHER. Inusisa rin ang dalawa kung bakit madalas silang magkasama sa out-of-town trips.

Isang reporter ang nagbanggit na nagkasama raw sila sa La Union kamakailan.

Tila nadulas na sagot ni Bela,” Ako nasa La Union ako para sa birthday ko.

"Sumunod lang talaga si Z [Zanjoe] hindi naman parang planado."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Binanggit pa ng reporter na nagkasama raw sila sa Bataan noong Holy Week.

Depensa ni Zanjoe, “Nasa Dagupan ako noon. May show ako.”

Two weeks ago raw ay magkasama rin sila sa Tagaytay.

Sa puntong ito ay umiwas na si Zanjoe, hudyat ng pagtatapos ng interview.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN