Jake Ejercito camp optimistic about settling with Andi Eigenmann

IMAGE Instagram / Cyrus Panganiban for YES!

Atty. Ferdinand Topacio, Jake Ejercito's legal counsel, on joint custody petition of his client: "I am very confident na kung ang dalawang panig ay malaming ang ulo at hindi po nadagdagan, and let's not add fuel to fire, magkakasundo po kami sa June 22. Ako ay very confident."

 


Malaki ang kumpiyansa ng legal counsel ni Jake Ejercito na si Atty. Ferdinand Topacio na magkakaayos ang kanyang kliyente at si Andi Eigenmann pagdating sa hinihinging child custody ni Jake.

Lahat naman daw ay hangad ang kapakanan ng limang-taong-gulang na anak nina Jake at Andi, kaya posibleng magkaroon ng pagkakasundo sa kanilang hearing na nakatakda sa June 22, Huwebes.

Pahayag ni Atty. Topacio sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Kasama po yun sa pre-trial na sisikapin ng hukom, sa abot ng kanyang makakaya, na magkaroon po ng magandang pag-aayos at pag-aareglo yung dalawa.

“Alam niyo po kami ay umaasa sa ibang pahayag ni Ms. Andi Eigenmann na wala naman daw problema sa kanya kung magkaroon ng joint custody.

“Wala naman daw problema sa kanya kung magkaroon ng visitation.

“Basta lamang po i-acknowledge ni Jake na siya yung ama.

“E, hindi po ba, sa pamamagitan ng pagsampa ng kasong ito, sinasabi na nga niya na siya yung ama?

“Ano pa po ba ang gusto nila?”

Muli ring nakiusap si Atty. Topacio sa ina ni Andi na si Jaclyn Jose na kung maaari’y huwag nang magsalita pa o mag-post ng statement nito sa social media kaugnay sa isyu dahil hindi naman daw ito makakatulong sa kaso.

“Muli po, nanawagan kami na kung talagang mahal niya si Ellie, hindi po nakakabuti ang mga ganitong gawain kay Ellie, sapagkat nauungkat nang nauungkat po sa publiko yung pag-aaway ng mga magulang.

“Dapat po manahimik na lang.

“Sa hukuman na lang po tayo mag-usap at wala na sanang lalabas sa mga usapan dun.

Ayon pa kay Atty. Topacio, “Actually ay bawal nga po yung ginagawa ni Ms. Jaclyn Jose.

“Sapagkat yung kaso po, pag yun po sa hukuman na, hindi na po pinag-uusapan ‘yan publicly.

“Actually, that is contempt of court.

“Siguro hindi na lang namin papatulan para hindi na lumaki yung gulo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Basta sana po manahimik na lang ang lahat… and again po, nag-apela na po kami kay Ms. Jaclyn Jose.”


Stories We Are Tracking

Jaclyn Jose lambasts Jake Ejercito, Laarni Enriquez on IG
Jaclyn Jose lambasts Jake Ejercito, Laarni Enriquez on IG
Jake Ejercito camp reacts to Jaclyn Jose's rant on Instagram
Jake Ejercito camp reacts to Jaclyn Jose's rant on Instagram
Andi on mom's IG rant:
Andi on mom's IG rant: "It was uncalled for and unnecessary."

THE EJERCITOS CHOOSE TO BE SILENT. Nakikita raw ni Atty. Topacio na galit at nalulungkot ang mag-inang Laarni Enriquez at Jake Ejercito sa ginawa ni Jaclyn, pero minabuti nilang manahimik na lang para hindi na makadagdag ng gulo sa isyu.

Saad ng abugado, “Siyempre po nababahala rin sila sa nangyayari, pero ayaw na nila magsalita.

“Sabi nila, ‘Attorney, kayo na magsalita at mag-appeal na lang kayo na tama na.’

“Sa hukuman na lang at huwag na sa publiko, kasi wala namang kahahantungang maayos, e.

“Hindi naman ang publiko ang magdi-decide, e. Ang hukuman naman.

“So, kung may gusto man silang sabihin, dun na lang sa harap ng korte.

“May mga gusto naman pong ipahayag ang mga Ejercito, pero pinipigil po nila ang sarili nila.

“Siguro tahimik na lang tayo. Kumbaga sa ano, ceasefire na tayo.

“Ang dami nang gulo, huwag na nating dagdagan ang gulo sa Pilipinas.

“Dun na lang natin ayusin sa hukuman.”

Nangako raw si Jake na dadalo siya sa hearing sa June 22, at nagpa-book na ito ng flight mula Singapore.

Inaasahan din daw nilang dadalo si Andi, kasama na rin si Jaclyn, para magkaroon ng maayos na pag-uusap sa harap ng korte.    

Sabi ni Atty. Topacio, “I am very confident na kung ang dalawang panig ay malaming ang ulo at hindi po nadagdagan, and let’s not add fuel to fire, magkakasundo po kami sa June 22.

“Ako ay very confident.

“Yun lang naman po ang hangad ni Mr. Ejercito.

“Ang lahat po ay ginagawa niya para sa kapakanan ni Ellie.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN