Gerald Anderson open to be friends with another ex, after Kim Chiu

IMAGE Noel Orsal

Life is good for Gerald Anderson and he's happy to share it with the people in his life: "Happy ako in general. Dahil kapag may kailangan ang nanay ko maibibigay ko agad, pag may kailangan ang pamilya ko."

 


Isang Philippine Coast Guard auxiliary member with a rank lieutenant si Gerald Anderson at ikinalulungkot daw ng aktor ang nangyayaring gulo sa Marawi dahil sa panggugulo ng teroristang grupong Maute.

Lahad niya, “Nakakalungkot, nakakatakot din. Nakaka-sad kasi mga Pilipino din.

“Tayu-tayo ang magkakaaway and it’s hard kasi nadadamay yung religion, ang daming namamatay.

“I think nasa 100 plus na, nakakalungkot yung air strike na sarili nating sundalo namatay din.

“Let’s see. May gusto rin akong gawin para dun, tapusin ko lang muna ito.”

Ang tinutukoy ni Gerald ay ang pangalawang pelikulang pinagtatambalan nila ni Arci Muñoz na Can We Still Be Friends.

Sa nakaraang blogger’s presscon ng pelikula na-interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News ang aktor na ginanap sa Tokyo Bubble Tea sa Katipunan, Quezon City, nung Lunes, June 5.

BEING FRIENDS WITH EX. Kung naibalik na raw ang pagiging magkaibigan nina Gerald Anderson at ng ex-girlfriend niya na si Kim Chiu, taliwas naman daw ito sa kanila ni Maja Salvador, na ex-girlfriend din ng aktor.

Paliwanag ni Gerald, “Siyempre, kahit naman yung sa amin ni Kim, oras talaga, e. Panahon talaga.

“Sabi nga nila may five stages yung breakup.

“And after that, you realize kung gaano talaga kabuti yung tao na nakasama mo at that time.

“Makakalimutan din ninyo yung sakit na pinagdaanan ninyo.

“Mahalaga yung respeto. Kahit ‘di ako agad naging friends ng ex ko, yung respeto ko sa kanya nandun.

“I never said anything bad about my ex, I care for that person and I still do.

“Ang importante, kahit ano ang naririnig mo, ang napapanood mo sa TV, ang naririnig mo sa radio…

“Yung respeto mo para sa dati mong ka-partner nandun.”

Nagpapasalamat din daw ang aktor sa pagkakasama nila ni Kim sa seryeng Ikaw Lang Ang Iibigin dahil naging daan ito para maging magkaibigan silang muli.   

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi raw ito naging madali para sa kanila, “Mahirap, mahirap. Siyempre nasa harap kami ng camera.

“Nasa harapan kami ng media lagi. Ang daming ganito," sabi niya pa na ang tinutukoy ay mga kaharap na reporters.

“It’s hard kasi parati kaming nasa spotlight, pero I guess gumawa ng paraan si Papa God para mangyari yun at nakakasama ko na siya.
  
“Sobrang grateful ako sa mga blessings at pangyayari na nakakasama ko siya uli.”

May bali-balitang matindi raw ang selos sa kanya ni Xian Lim na dating kapareha at rumored boyfriend ni Kim.
  
Komento ni Gerald, “Di ako ang dapat tanungin ninyo about dun, but I’m sure 'di totoo.

“I don’t need that in my life right now, masaya ako, positivity lang ang kailangan ko.”


HAPPY ALL AROUND. Bukas nga raw si Gerald na maging kaibigan si Maja kung dumating ang pagkakataon na magkaayos sila.

Aniya, “Oo naman, wala naman yatang tao ang gusto na may kaaway, lalo na sa mundo naming napakaliit.

“We all just want to work… gusto lang namin na mabigyan ng magandang buhay ang pamilya namin.

“There’s no time na magsasabi nang masama sa ibang tao, 'di na ako naniniwala sa ganun.

“You just have to be happy. Tingnan mo, I have been happy for the longest time, ang daming blessings.

“Ang nakakatawa diyan, 'di ako happy dahil sa dami kong projects, happy ako in general.

“Dahil kapag may kailangan ang nanay ko, maibibigay ko agad, pag may kailangan ang pamilya ko.

“Ang dami kong natutuhan sa sarili ko, sa mga projects na ginagawa, sobrang swak na swak sa buhay ko.

“Ano ang hihingin ko pa, 'di ba? Kapag may galit ako sa puso ko sa isang tao, 'di mangyayari lahat ng ito.”
 
PRECIOUS TIME WITH BEA. Kumusta naman ang relasyon nila ni Bea Alonzo na hanggang ngayon ay nakabitin pa rin sa ere ang kumpirmasyon nila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon ng aktor, “Sobrang busy kami pareho, the time na mayroon kami para magsama, talagang tsine-cherish ko.

“Alam ko, 'di rin madali sa kanya, pagod din. I just want to take care kung ano yung binibigay niya sa akin.

“Yung feelings na ibinibigay niya sa akin, that’s all I can ask for, ‘di rin ako nagmamadali.

“Ang daming nangyayari, ang daming priorities. Ayaw naming maging unfair sa isa’t isa.

“Yung effort nandun at isa… isa sa pinakaimportante yung effort

“Saka yung respeto na binibigay ninyo sa isa’t isa.”

ARCI FOUGHT FOR HIM. Nagpapasalamat din daw siya sa pelikula nila ni Arci na Can We Still Be Friends.

Sabi pa ni Gerald, “Gumawa ako ng ganitong klase ng pelikula na parang dumadaan ako sa ganung sitwasyon.

“Ang dami kong nare-reliaze dun sa movie. I got to apply it kasi nga nakakasama ko.

“Yung mga tao na ‘di ko nakakasama dati, ewan ko ba, ang galing lang, ang galing ng universe.”

Inalok din pala kay Jericho Rosales ang lead role dito pero ipinaglaban daw ni Arci na mas bagay ito kay Gerald.

Reaksiyon ng aktor, “Ganun naman talaga, e. Depende sa movie, depende sa istorya kung sino ang babagay.

“Ang masasabi ko lang iba yung dynamics namin ni Arci and sobrang bumagay siya sa movie na ito.

“I think naitawid namin yung awkwardness, naitawid namin yung ang tagal naming magkarelasyon sa movie.

“Kay Arci ko magagawa yung ganung kakumportable kasi nga she makes everyone feel comfortable.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN