Direk Joyce Bernal all praises for Angel Locsin's efforts in Marawi: "Buti pa siya, nagawa niya agad."

IMAGE Credits to the Owner

Former Darna actress Angel Locsin proves that one doesn't need a superhero costume to be a real-life hero. She flew to Iligan City recently to extend help to her Filipino brothers affected by the Marawi siege.


Marami ang bumilib sa ginawang pagpunta at pag-volunteer ni Angel Locsin para sa mga evacuees ng kaguluhan sa Marawi City.

Kahapon, Hunyo 9, naging viral ang mga larawan ng aktres na kuha mula sa kanyang pagbisita sa ilang evacuation centers sa Iligan City noong nakaraang linggo.

Isa sa mga nagpahayag ng paghanga kay Angel ay ang direktor na si Bb. Joyce Bernal.

Lahad niya sa kanyang Instagram post, "Si angel ay isang taong di nag iisip kung tutulong sya o Hindi.

"Gagawin na Lang nya at nandon na sya para Sa mga nangangailangan.

"Di sya papansin Sa patulong.

"Mabuti pa sya, nagawa nya agad."

Wala namang direktang pinaparinggan ang nasabing direktor.

Maliban sa pagbibigay ng relief goods, nag-donate din sa Angel ng dugo sa pamamagitan ng Philippine Red Cross, kunsaan aktibo siya bilang isa sa mga ambassadors nito.

Matatandaang madalas sumasama si Angel sa mga Red Cross relief operations noong nakaraang mga taon, partikular na noong kasagsagan ng Typhoon Yolanda sa Tacloban.

HELP MARAWI. Ilang larawan naman ang in-upload ng dating Darna sa kanyang personal Instagram account.

Ang mga ito ay kuha sa mga lansangan ng nasabing probinsya na kanyang tinawag na "ghost town."

Sa bawat larawan ay gumamit si Angel ng mga hashtags na "Help Marawi" at "Peace for Marawi."

Caption ng Kapamiya actress: "Poor helping the poor."

Si Angel ay nakikipagtulungan sa civil society organizations na Kalinaw Mindanao at ang Rural Missionaries of the Philippines.

Noong 2005 ay ginampanan ng aktres ang papel ng local female superhero na si Darna.


Stories We Are Tracking

Angel Locsin visits evacuees of Marawi crisis
Angel Locsin visits evacuees of Marawi crisis


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN