Carla Abellana helps BF Tom Rodriguez move on from dad's death

IMAGE Noel Orsal

Carla Abellana on consoling boyfriend Tom Rodriguez during his moments of grief: "Gusto kong maalis muna siya sa sad stage na iyon and make him feel na things will get better, kasi he is surrounded by people who love and support him."


Ayon kay Carla Abellana, pagkagaling ng boyfriend niyang si Tom Rodriguez mula sa Amerika pagkatapos malibing ang ama nito, sumabak siya agad sa trabaho.

“I know that Tom was still feeling down that time.

“Pero bilib ako sa kanya kasi he was able to work on two projects pa when he returned.

“Nasa States pa lang naman si Tom, I always made him feel my support for him and his family.

“Physically, I can’t be there kasi, so I was always calling him up para kumustahin siya.

“I know how close Tom is sa dad niya kaya ramdam mo na sobra siyang apektado.

“I know he was grieving and I can feel that kapag nag-uusap kami.

“But I always tell him that God has a reason kung bakit kinuha na ang dad niya.

“And he is in a better place now.

“Kaya noong nagte-taping na kami for I Heart Davao, I make it a point na pasayahin siya kasi there are moments na tahimik lang si Tom.

“Gusto kong maalis muna siya sa sad stage na iyon and make him feel na things will get better, kasi he is surrounded by people who love and support him,” kuwento ni Carla nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press launch ng I Heart Davao sa GMA Network Center noong nakaraang June 8.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN