Ariella Arida on controversial portrayal of Pia Wurtzbach life story in MMK: "Ang hirap mag-judge."

IMAGE Rose Garcia

Miss Universe 2013 3rd runner-up Ariella Arida shares her opinion regarding the recent controversial portrayal of Pia Wurtzbach's life story in Maalaala Mo Kaya: "Naintindihan ko naman na siyempre, for TV 'yan, hindi lahat din nasabi or naklaro. So mahirap din po talaga. Kung ano ang lumalabas ngayon, you can't tell din kung ano ang totoo and what's not. Ang hirap mag-judge."


Kamakailan lang, ang life story ng Miss Universe na si Pia Wurtzhbach ay isina-telebisyon sa Maalaala Mo Kaya.

Pero pagkatapos nito, nag-react ang step brother ni Pia dahil sa ilang bahagi ng script na diumano'y hindi naging realistic sa paghayag ng tunay na estado ng relasyon ni Pia sa kanyang yumaong ama.

Nakaramdam ba si Ariella ng simpatiya para sa kapwa beauty queen?

Pag-amin niya, “I know the life story naman.

“Pero sabi ko nga, parang ang hirap kasing i-ano sa life story ng three years mo na pinaghirapan.

“Naintindihan ko naman na siyempre, for TV ‘yan, hindi lahat din nasabi or naklaro.

“So mahirap din po talaga.

“Kung ano ang lumalabas ngayon, you can’t tell din kung ano ang totoo and what’s not.

“Ang hirap mag-judge.

“Unfortunate lang na nangyayari po yun.

"Baka hindi nila maintindihan, siyempre, for TV purposes din,” pahayag ni Ariella nang matanong ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa ginanap na press launch ng Cosmo Skin sa Raffles Grand Hotel, Makati City noong June 9.

Si Ariella ang pinakabagong celebrity endorser ng Cosmo Skin GSE (Grape Seed Extract).

Siya rin ang naging third runner-up sa Miss Universe noong 2013.

Kung gagawin din ang life story niya, papayag ba siya?

Lahad niya, “Okey lang din naman po sa akin, pero sana mag-enjoy kayo.

“Kasi nga po, ang eksena ng buhay ko, wala pong drama.

“Pero thankful naman ako na sobrang ayos naman.

“Simpleng-simple lang naman po ang buhay ko. Pero kapupulutan naman po ng aral, the timing is everything.”

READY TO JUMPSTART ACTING CAREER. Dahil sa pagiging co-host niya ng Wowowin, pakiramdam daw ni Ariella Arida ay natutupad ang isa sa gusto niyang gawin, ang maging komedyante.

“Yes, hindi ko nga alam, parang feeling ko comedienne na nga ako ngayon.

“Masaya po, nakaka-at home siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya for me, it’s okay.”

Kung sakaling papasukin niya ang pag-arte, gusto raw niyang maging komedyante.

“Nakatrabaho ko na po si Miss Eugene [Domingo] at parang yun ang first acting na nagawa ko, comedienne na role sa Dear Uge.

“Okey naman, nairaos naman po. Masaya.

“Pero siyempre, I would like to try serious acting din, yung drama.”

ON RACHEL PETERS. Nang tanungin ito tungkol kay Rachel Peters na siyang pambato ng Pilipinas ngayong 2017 sa Miss Universe, nakausap na raw niya ito dati. Sinabi rin niyang malaki naman daw ang chances nitong manalo dahil sa taglay nitong winning qualities.

“Sabi ko nga po sa kanya, 'Alam mo, perfect ka na.'

“Body-wise, she's good. Okey naman siya sa Q&A.

“Magaling din siyang rumampa.

“Siguro ang kailangan naming ma-feel, yung determination mo na gusto mo ang craft.

“Kasi, iba rin ang effect nun if you really want it.

“Kasi, sayang din na nasa ‘yo na ang lahat, so double the effort yung determination, hard work talaga.”

Kumusta naman siya sa Aces & Queens?

“Okey naman, we’re okay. I’m happy naman sa mga titles na nakuha nila,” nakangiti niyang sabi.

Ang tinutukoy ni Ariella ay ang tatlong beauty queens ng Aces & Queens na nagsipagwagi na ng kanya-kanyang titles sa Miss Universe, Miss World at Miss International.

MENDING RIFT WITH JONAS. Wala na nga raw siya sa pangangalaga ng dating manager na si Jonas Gaffud ng Mercator at Aces & Queens at sa ngayon, naghahanap lang din daw siya ng panibagong manager.

Nagkatampuhan nga ba sila?

Paglinaw niya, “Siguro normal naman po yun from previous handler mo.

“Nagkaroon po talaga ng point na medyo nagka-gap kami.

“Pero ngayon, I’m thankful, okey naman po kami.

“At naiintindihan ko naman we’re he’s coming from that time.”

Paano sila nagkaayos ni Jonas?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, na-caught-off-guard ko po siya during one of the events ng Miss U.

“So, hinug ko siya.

“Siguro, nabigla siya. Alam mo yun, hindi siya emotionally prepared.

“Then, after that, siguro after how many months, siya na ang lumapit sa akin.

“Niloko niya nga ako, ‘wag ko raw siyang biglain. Sabi ko, 'Sorry na Mama, nakita kita, na-excite ako.'”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN