Pia Wurtzbach's mom on late husband: "No one should question what we had."

IMAGE Instagram @cherylalonzoig

Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach's mom Cheryl Alonzo (in gray top, right photo) recalled happy memories with late husband Uwe Wurtzbach (in jacket, left photo), and refrained from mentioning his supposed womanizing when they separated long before he passed away.


Nanindigan si Cheryl Alonzo, ina ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, na legal ang kasal nila ng yumaong mister na si Uwe Wurtzbach.

Pahayag ni Cheryl tungkol sa ama ng 27-year-old beauty queen, “Got married to their dad on November 11, 1983 and after 6 years we had Pia.

“We worked hard for our money so no one should question about what had and wherever it went.

“I waited patiently to be a mom though because of that.”

Narito ang kopya ng larawan ng noo'y bagong kasal na sina Cheryl at Uwe:


Base ito sa magkakasunod na Instagram posts ni Cheryl ng old photos nila ng yumaong mister at dalawang anak nilang sina Pia at Sarah Wurtzbach.

Burado na ang posts ni Cheryl ngunit nailathala ito sa Facebook ng The Philippine Pageantry kahapon, Hunyo 11.

Hindi nagbanggit si Cheryl kung sino ang kumukuwestiyon sa sitwasyon ng kanyang pamilya noon.

Ngunit tila kaugnay ito ng pagkuwestiyon ng isang nagngangalang Robie Asingua hinggil sa pamilya ng estranged couple na sina Cheryl at Uwe.

Si Robie ang nagpakilalang live-in partner ni Uwe na nanirahan sa Puerto Princesa, Palawan, bago namayapa ang huli noong 2014.


Stories We Are Tracking

Pia Wurtzbach called
Pia Wurtzbach called "big liar" by late dad's partner
Pia Wurtzbach's half-brother slams Miss Universe 2015
Pia Wurtzbach's half-brother slams Miss Universe 2015
Pia Wurtzbach camp stands by story about her late dad
Pia Wurtzbach camp stands by story about her late dad

PIA'S LIFE STORY ON MMK. Isang araw matapos umere ang life story ni Pia Wurtzbach sa Maalaala Mo Kaya noong Hunyo 3, 2017 inakusahan ni Robie sa kanyang Facebook status ang beauty queen na “big liar.”

Ayon kay Robie, hindi raw totoo ang pagsasadula sa MMK na humingi si Uwe ng pera kay Pia nang manalo ang huli bilang first runner-up sa Binibining Pilipinas 2013.

Si Liza Soberano ang gumanap na Pia sa MMK episode.

May eksena roon kung saan tumanggi siyang bigyan ang ama ng perang pampagamot sa sakit nito sa puso, sa dahilang hindi raw sapat ang kinikita noon ng beauty queen.

Kasunod nito ay nabalitaan ng beauty queen ang pagkamatay ng ama dahil sa sakit noong 2014.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dito ay nabanggit ni Pia na marami siyang sama ng loob sa ama, na noong siya ay siyam na taong gulang pa lang ay iniwan ang kanilang pamilya dahil sa pambababae nito.

Base pa rin sa pagsasadula, pinagsisihan daw ni Pia na hindi man lang sila nagkaayos ng ama bago ito pumanaw.

PIA'S MOM ON LATE HUSBAND: "I LOVED HIM." Sa pagpapatuloy ng Instagram posts ng ina ni Pia na si Cheryl, hindi niya binanggit ang dahilan ng hiwalayan nila noon ng yumaong mister na si Uwe.

Balik-tanaw ni Cheryl, “Happiest time ever with our kids. Until we settle in the Beautiful Philippines.

“Life was challenging until we find ourselves to step on to the next chapter.

“I went on with my kids and the rest is the story.

“#love #moveon #nohate #lifeistooshort #behappy.”

Narito ang kopya ng larawan ni Uwe kasama ang dalawang anak na sina Pia at Sarah:


Ayon pa kay Cheryl, wala siyang sama ng loob sa yumaong mister.

Lalo na't mayroon na siyang sariling buhay sa piling ng bagong mister na si Nigel Tyndall.

Pahayag ng ina ni Miss Universe 2015, “I loved him so much you see... He was my life.

“I cried when he passed away.

“My present husband Nigel was sad for me too. He is very supportive to me and my kids.

“He is also a God's gift to me.

“I am so blessed.”

Narito ang isa pang larawang ibinahagi ni Cheryl kasama ang mister na si Uwe:


Sa huli, sinabi ni Cheryl na nanatili silang matatag na mag-iina sa kabila ng pinagdaanan ng kanilang pamilya.

Narito ang kuha ng three-year-old na si Pia at 15-month-old na si Sarah:


Nilagyan ito ni Cheryl ng caption na, "Stick together forever @piawurtbach @sarahwurtzbach #sisters #foreverfriends #lovelykids #walangiwanan" 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong nakaraang linggo, nauna nang inalmahan ng nakababatang kapatid ni Pia na si Sarah ang alegasyon ng nagpakilalang huling live-in partner ng yumao nilang ama.


Stories We Are Tracking

Charo Santos stands by Pia's account of her life in <em>MMK</em>
Charo Santos stands by Pia's account of her life in MMK
Sarah Wurtzbach slams half-brother in FB comments
Sarah Wurtzbach slams half-brother in FB comments
Pia Wurtzbach's sister issues warning to half-brother
Pia Wurtzbach's sister issues warning to half-brother


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN