Luis Manzano denies relationship with Jessy Mendiola is on the rocks

IMAGE Jessy Mendiola Instagram

Luis Manzano defends GF Jessy Mendiola against her basher. But he seemed more irked with the buyers than with the peddlers of gossip. "Yung mga taong gustong gumawa ng mali, gagawa ng mali. Ang dami din namang aanga-anga, kakagat sa mali. Don't believe everything you read, see, and hear sa Internet. "Pakiusap ko, 'wag na tayong tatanga-tanga," he admonished.

 


Pinabulaanan ni Luis Manzano ang lumabas na balitang nagkakalabuan umano sila ng kasintahang si Jessy Mendiola.

Maski raw ang ina ni Luis na si Lipa City Representative Vilma Santos ay tinanong siya kung totoong may pinagdadaanan ang relasyon nila ng girlfriend.

Kuwento ng TV host-actor, “Magka-text kami ni Mommy kanina, ‘O, kumusta kayo? Ano yung mga isyung lumalabas na nagkakalabuan daw kayo?’

“Sabi ko nga, please, pakiusap ko, don’t believe everything you read, see, and hear sa internet. Don’t, please.

“Nag-advance na tayong lahat, huwag tayong bumaba na porke’t nakasulat, totoo ‘yan.

“Whether it will be an article, blind item, malicious lang talaga na gustong gumawa ng issue.

“Pakiusap ko, 2017, huwag na tayong tatanga-tanga.”

Pero may balak na ba silang pakasal?

Tugon ni Luis, “Napag-uusapan namin, we are planning.

“She’s 24, I’m 36. Twelve years yung age gap.

"Medyo nagiging factor nang kaunti kasi marami pa siyang gustong gawin, asikasuhin.

“In two years? Yeah, pinag-uusapan naman namin.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Luis sa set ng ASAP noong nakaraang linggo.

 JESSY’S TLC. Dinepensa rin ni Luis ang kasintahan sa panunumbat ng isang basher.

Nasa South Korea kasi si Jessy habang si Luis ay lumalabas sa ASAP at The Voice Teens na naka-cast ang kanang paa, ma na-fracture sa isang minor accident.

Nagkomento ang basher na nakuha pa raw ni Jessy mangibang-bansa gayong naaksidente si Luis.

Saad ng TV host, “Trabaho, nagtrabaho naman siya. Hindi naman siya nagbakasyon, trabaho yun.

“Sabi ko nga, ang taong naghahanap ng mali, makakahanap ng mali.

“Napakainosente, may trabaho siya sa Korea, income niya yun.

“Buti sana kung medyo baldado ako, sana kung hindi ako makagalaw.

"Wala, nakaka-workout nga ako. Pinu-post ko yung mga workout videos.

"Saka may buhay siya, may buhay ako.

“Yung mga taong gustong gumawa ng mali, gagawa ng mali.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lahat ng tao, ang dami din namang aanga-anga, kakagat sa mali."

Patuloy niya, "Ako pa ang nagsabi na mag-extend siya, kasi ilang beses bang makakapunta ka ng Korea na di ka gagastos?

“Sulitin mo na, nandiyan ka rin naman.”

Sabi pa ni Luis, tungkol kay Jessy, “She’s okay, sobrang maalaga, malambing.

“Di ba, may crutches nga ako, kunwari sa bahay ko, magsi-CR lang ako, tutulungan pa niya talaga ako.

“Siya ang magbubukas ng mga pinto, siya ang hahawak ng crutches, sobra yung alaga.”
 
Tiniyak naman ni Luis na maayos na ang kanyang kalagayan.

“In two weeks, tatanggalin na yung aircast.

“Siguro bago ako bumalik sa matinding training na kadalasang ginagawa ko, baka mga two months pa."

Ano ba ang nangyari sa kanya?

“Fracture, natapilok lang, taping ng The Voice… mali lang talaga sa bagsak ng paa.

“Buto mismo nadale, wala akong puwedeng sisihin kundi sarili ko lang.”

Hindi rin daw siya titigil sa pagtatrabaho.

“Tuloy lang, mas maingat lang pati sa shot, kailangan kalahati lang kahit papaano.

“Tutuloy ko yung mga normal activities ko, mas maingat lang ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN