Angel Locsin accused by basher of being publicity hungry over volunteer work in Mindanao

IMAGE Photos from Facebook (CTO)

Angel Locsin reveals her reason for visiting evacuees of the Marawi crisis. Meanwhile, a basher accused the actress of being fake and publicity hungry over her volunteer work in Mindanao. 


Ipinagtanggol ng ilang netizens si Angel Locsin laban sa isang basher na bumatikos sa aktres kaugnay ng pagpunta nito sa Iligan City, bilang volunteer, upang dalawin at magbigay-tulong sa evacuees at biktima ng Marawi crisis.


Stories We Are Tracking

Angel Locsin visits evacuees of Marawi crisis
Angel Locsin visits evacuees of Marawi crisis
Angel Locsin posts photo of airstrike in Marawi City
Angel Locsin posts photo of airstrike in Marawi City

Sa kanyang Instagram account nitong weekend, nag-post si Angel ng larawan ng nangyaring airstrike sa Marawi City.

Sa comments section, nabahala ang fans ni Angel at hinimok ang aktres na umalis na sa lugar.

Sumagot si Angel at sinabing wala na siya roon.

Nag-post lang daw siya ng ilang larawan upang ipakita kung ano ang nangyayaring gulo sa Marawi.


Isa namang basher na nagngangalang @rhodoraazuelo ang bumatikos kay Angel.

Burado na ang nasabing komento ng basher, subalit base sa comments ng mga nagtanggol kay Angel, tinawag ng basher ang aktres na "fake."

Nagpunta lang daw ito roon para sa publicity, at hindi naman daw natapos ang kaguluhan dahil sa sa pagpunta ng aktres sa Mindanao.

Sinagot ni Angel ang basher na nagkomento sa Ingles:


Kaagad namang ipinagtanggol ng ilang netizens ang aktres laban sa basher.


 





REASON FOR VISITING MARAWI. Sa isang video mula sa Tudla Productions, mapapanood ang pagbisita ni Angel sa isang evacuation center sa Iligan City.

Sa nasabing video, isang residente ng Marawi, na nagngangalang Ustadjh Hadj Abdulkarim Ambor, ang nagtanong kay Angel kung bakit pinili nitong bumisita sa evacuees.

Sagot ng aktres: “Bilang taga-Maynila po ako, gusto ko po sanang makita personal at ma-experience kung kamusta po ang kalagayan niyo dito at malaman din kung ano po ang mga kailangan ninyo na tulong para mas gumaan kahit papaano ang nararamdaman nyo."

Nakiusap din ang residente kay Angel na maging kinatawan nila upang ipaabot kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagnanais nilang matigil na ang kaguluhan sa Marawi, dahil maging ang mga sibilyan ay apektado na ng giyera.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN